Tls Chapter 3: Jamming with friends

88 4 0
                                    

Alex POV

At CANTEEN (Lunch Time)

"Oy! Alex bat naka busangot nanaman ang pagmumuka mo?" Bungad sakin ni mary habang hawak ang phone niya.

Tinignan ko naman siya na busyng busyng sa kakapindot ng phone niya. Naglalaro ata seryosong seryoso eh. Di pa nagagalaw yung pagkain.

"Eh yung classmate natin. fvck! nakakainis. Natamaan ako tapos nahulog yung iPhone ko ang mahal kaya nito!" sabi ko habang tinutusok tusok yung ham ng tinidor.

"Alam mo Alex hayaan mo nalang yan eh alam mo kong anong magandang gawin natin? Magpakasaya kase this is it Alex last year na natin dito sa demyie kaya sulit sulitin na diba girls?"
Sabay ni Kath! Habang nakangiting nakatingin samin. Sumangayon naman kami.

Napa isip ako don. Hm sabagay may point naman siya. Puro kasi stress ang nalalanghap ko ngayong araw eh. Ang malas lang nga buti pa tong apat na to. W.A.L.A huhuhu

"Hm. I think that's a good idea kath". Sabi ko sakanya na parang naeexcite.

"Tara labas muna tayo punta tayo ng mall" sabay sabay sabi naming 5 na kath,Liza,Mandy,Marie, at Dara.

Agad naman naming inubos ang aming mga pagkain para di kami magutom mamaya kase mag jajamming kami at mag eenjoy at kakalimutan na muna namin ang aming mga problema.

"Come on girls"
Sabi ko sakanila.

Agad Agad naman kaming tumayo at sabay sabay lumakad palabas ng gate.

Nasa taxi na kaming anim at nang
Nasa mall na kami agad naman kaming bumaba at syempre nakabayad na kami.

Nauna naman si kath sa loob kase siya yung nakaisip nito at parang batang nagtatakbo papasok ng mall.

"Ay hala tignan niyo si kath oh! Parang ngayon Lang kaka pasok sa mall" sabi ni dara. At tawang tawa.

"Oo nga haha pati rin naman tayo naeexcite kase dapat mag enjoy tayo dito" sabi ni liza.

Nang makapasok kami agad naming hinanap si kath at nakita namin to na may tinitignan na parang may pinagmamasdan. Agad namang lumapit si Liza at ginulat Ito.

"Booo!" Gulat ni liza kay kath.

"Ay inahing baboy!!!!!" Gulat na sabi ni kath kay liza.

"HHahahahahahahahhaahahahhahahahahahah" sabi ni liza na nakahawak sa tiyan niya Habang tawa ng tawa.

"Oyyy! tumahimik ka nga liza! marinig ka nong crush ko." Sabi ki kath, namumula pa nga eh.

Agad kaming napa nganga ng ganito -----> (OoO)

"Haaa!?" Sabay naming 5..

"Kailan kapa nagraroon ng crush at Hindi mo saamin nakwekwento??" Hah sabi ko.

"Aba OA neto!! Kanina ko Lang nagustuhan hahaha AMPOGI KASI NIYA AT HOT PA" sabi niya na kilig na kilig at biglang sumimangot.

"Hay nako" sabi ko at sabay sabay kaming nagpabuntong hininga.

"At bakit bigla kang sumimangot kath?" Sabi ni Mandy.

"Eh kase may kasama siyang babae :( di kaya girlfriend niya yun?" Sabi ni kath na parang naiiyak na.

"Ay hala grabe to si kath isang tingin Lang naman nagustuhan na agad nito :3 Hindi pa nga niya alam kong anung ugali ang mayroon yung lalakeng yun" bulong ko sa sarili ko.

"Haha" narinig kong sigaw ng 4.

"Ano ka ba kath!!! Madami pa diyan wag muna ngayon! Pakasaya muna." Sabi ni dara na nagpupumigil sa tawa.

"Ohh sige na nga tara ENJOY na tayo" sabi ni kath na nakangiti na din. "BYE MY CRUSH AT FIRST SIGHT" Pahabol ni kath.

*Next Chapter*

Teenager Lovelife StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora