Chapter: 49 "Danna's Feeling"

820 43 12
                                    

Kahit kailan ang lakas talaga ng kumpiyansa sa sarili ng lalakeng ito.

"Kung ano?!" Inis at pasigaw kong tanong kasi halata naman na sinadya niyang bitinin ang sasabihin niya pero laking gulat ko noong hapitin niya ang bewang ko tapos tumungo siya ng konti sa may tenga ko.

"Kung hanggang ngayon hindi ka pa rin nakaka-move on sa akin." Makapanindig balahibong bulong niya sa tenga ko habang mas hinihigpitan ang pagkakakapit sa bewang ko.

"Let go off me." Mahinahon pero matapang na utos ko.

"I can't. And I won't, Dhanea." Matapang na sabi niya.

"Stop calling me on my real name."

"Ayoko nga. I love your name so much just like how much I love you."

"Mukhang ikaw ata ang hindi pa nakaka-move on, Steven." Pang-aasar ko sa kanya habang pilit akong kumakalas sa pagkakayakap niya sa bewang ko pero gaya ng dati mas malakas pa rin ang pwersa niya sa akin.

"Steven? I miss that. Ikaw lang ang pinapayagan kong tawagin ako sa buo kong pangalan. Katulad ng katotohanang ikaw lang ang babaeng pinayagan kong makapasok sa puso ko."

"Stop this sick game of yours, Steven! Hindi na ako natutuwa." Nagbabantang sabi ko kanya.

"This is not a game Dhanea at kahit na kailan never kitang paglalaruan." Then to my own surprise he cupped my face and kiss me on my lips.

Masyadong mapangahas ang paghalik na ginawa niya dahil sapilitan niyang pinapasok ang dila niya sa bibig ko. At first I tried too avoid responding on his kiss but when I get tired I found myself kissing him back. Did I miss this? His lips? Yes of course. Do I still love him? I guess that's an obvious question. But this is wrong. I can't be with him. I can't be happy. I should suffer the way my bestfriend suffered. I shouldn't be happy. I should be miserable... For the rest of my life.

Dahil sa akin namatay ang bestfriend ko. Dahil sa akin nasira ang pamilyang pinangarap niyang buoin. Nangako ako sa kanya na pagbabayaran ko ang lahat ng kasalanang nagawa ko and giving up my relationship with Steven is part of that promise.

"You still love me. I knew it. I can feel it." Humihingal na sabi niya noong maghiwalay ang mga labi namin.

"Steven, please I'm begging you. Huwag mo na ulit akong lalapitan at sana huwag mo na rin akong pahirapan pa." Lumuluhang pakiusap ko bago ako nagmadaling tumakbo palayo sa kanya at pumasok sa kwarto ko na katabi lang nang kay Sandra.



Red's POV

Kanina pa akong nakasandal sa labas nitong pintuan ni Sandra simula pa noong makita kong sapilitang hinalikan ni Steve si Danna. I know their past and it was nice to see them together, again. Twenty seven years ago, both of them are believing in fairytale, happy ending and forever but twenty seven years ago too that beliefs of them have changed. I still remember, that was their wedding day when Danna dump him and became a runaway bride.

"Don't follow her. Give her sometime to think. I'm sure, Danna is so confused right now." Pigil ko kay Steve noong mapansin kong balak niyang sundan si Danna.

"Kanina ka pa ba diyan?" Gulat na tanong niya sa akin.

"Too long enough to saw your heart warming show." Sagot ko habang umaalis ako sa pagkakasandal dito sa may pinto.

"It's seems like you've really enjoyed what you saw." He sarcastically said.

"Of course, I really did. Ngayon ko na lang ulit nakitang naging malambot si Danna. Most of the time she wanted to show her fierce attitude. Anyway, want some drink?" Alok ko sa kanya.

"Definitely. I think, that's what I need now."

"Then what are we standing here? Tara sa baba." Yaya ko sa kanya bago ako nagpatiuna sa paglalakad papunta sa mini bar dito sa mansion.

"Kamusta na nga pala ang pinaiimbestigahan ko sa'yo?" Tanong ko habang inaabutan ko siya ng isang punong baso ng brandy pero imbes na sagutin ang tanong ko ini-straight niya ang pag-inom sa alak.

"Pare isa pa." Hiling niya sa akin pero sa malayo nakatingin.

Alam kong problemado siya ngayon dahil kay Danna kaya kahit ayaw ko siyang malasing ng sobra binigyan ko pa rin siya ng alak para kahit papaano mabawasan ang bigat na nararamdaman niya.

"What's the problem with her, pare? Bakit gustong-gusto niya akong itinataboy kahit obvious namang mahal pa rin niya ako?"

Napailing ako sa tanong niya.

"I don't even know the asnwer. Knowing Danna, napakamasikreto niya. She don't like sharing what she felt. Gusto niya sinosolo ang lahat ng problema."

"You're right. She's brave but not brave enough to follow her heart." Tapos inisang lagok ulit niya 'yung laman ng baso.

"Masanay ka na lang, pare. Minsan talagang mahirap intindihin ang mga babae." Sabi ko bago ko inisang lagok ang laman nitong baso ko.

"But then again, I will never get tired to love her." Tapos nagsalin ulit siya ng alak sa baso naming dalawa.

"Same here. Now that I found Sandy, I'l do everything to protect her."

"Cheers tayo diyan, pare."

"Cheers." I said while raising my glass.

Hindi ko na alam kung nakailang bote na kami ni Steve basta ang alam ko lang mukhang lumilindol ng malakas ngayon dahil kitang-kita ko ang paggewang ng buong paligid.

"Pare, lumilindol ata." Sabi sa akin nitong si Steve haba tinuturo 'yung mga basong nakasabit.

"Oo pare, alam ko." Sagot ko bago ko pinilit makatayo pero gumegewang talaga ang paligid kaya natumba ako.

"Hala pare, ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya habang inaalalayan ako sa pagtayo pero mukhang malakas ata talaga ang lindol kasi pareho kaming natumba.

"Pare mukhang ang lakas talaga ng lindol." Komento ko habang nakatingin sa paligid namin.

"Oo nga, pare. Siguro nasa magnitude 5 ito." Sang-ayon niya.

"Tara magtago sa ilalim ng lamesa para hindi tayo mabagsakan." Yaya ko sa kanya habang pinipilit kong tumayo pero natumaba ulit ako.

"Pare, huwag ka nang tumayo. Gumapang na lang tayo."

"Sige, pare." Sang-ayon ko bago kami sabay na gumapang papunta sa ilalim ng lamesa nitong mini bar.

"Pare, paano nga pala sina Dhanea? Baka mabagsakan sila kawawa naman." Parang batang sabi niya habang ipinagsisiksikan 'yung sarili niya sa ilalim ng lamesa.

"Sandali lang, tatawagan ko sila." Sabi ko sa kanya bago ko kinapa 'yung cellphone ko sa loob ng bulsa nitong pantalon ko pero naalala ko na ipinatong ko nga pala iyon kanina sa side table ng kama ni Sandy.

"Pare, naiwanan ko pala sa side table ng kama ni Sandy 'yung phone ko."

"Ganoon ba pare? Kung magteleport na lang kaya tayo papunta sa kwarto nila?"

"Good idea pare, sige sabay tayo."

Pinilit kong mag-teleport papunta sa kwarto ni Sandy kaso pakiramdam ko hinang-hina at hilong-hilo ako kaya hindi ko magawa.

"Pare, hindi ko kayang mag-teleport. Kulang na ang energy ko. Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.

"Parehas lang tayo pare. Tara, pilitin nating umakyat sa taas."

Tumango na lang ako sa kanya pero saktong pagtayo ko ay nawalan na rin ako nang malay.



Christ Illumination: The Book of ProphecyWhere stories live. Discover now