"Lahat mahirap." Nakanguso kong sagot kaya natawa lalo si Alexis at inakbayan ako.

"May klase kapa?" Tanong niya sakin kaya tumango naman ako. "Sige, una na ko. Wala na kong next class eh." Tumango na lang ako ulit sakaniya at nagpaalam na.

Naglalakad lang ako papunta sa next class ko. Medyo matagal pa naman may twenty minutes pa. And kaklase ko nga pala si Blake sa next class ko. Asan na kaya 'yun?

Nilabas ko ang phone ko and checked kung may text siya. Wala naman.. asan kaya yun? Tumingin ako sa relo ko at nakita kong fifteen minutes pa. Tatambay muna ko sa library.

Papasok na sana ako sa library ng may narinig akong familiar na boses. Wait, sa gilid yun ng library ah? And because curiousity attacked me, naglakad ako papunta doon ng bahagya at sumilip. And confirmed! Si Blake nga 'yun.

"I don't know, wala akong alam kung bakit nagkaganyan 'yan... Dude, before I flew here in Georgia ayos na lahat. Kinausap ko na parents niya and they agreed sila na daw bahala sakaniya... Anong gusto niyong gawin ko?! Umuwi basta basta diyan?! Iwan si Kylie dito?! Fuck no!... Well I don't care anymore. Hindi ko na siya priority. Sabihin niyo na lang sa parents niya 'yan. I'm sure they'll make a move so Liz will stop that shit... Yeah, skype na lang mamaya."

Liz? Siya nanaman? Ano nanamang problema niya samin ni Blake? Manggugulo nanaman ba siya? Hindi ko na namalayang nakalapit na si Blake sa pwesto ko. Shit! What am I gonna do now?

Mukha siyang nagulat ng makita ako. "Kanina kapa diyan?" Kalmado pero halatang gulat pa din siya.

I gulped. "H-hindi naman. Why? Ano bang ginagawa mo diyan?"

"Tumawag si John eh. Anyway, tara? Pasok na tayo? Last class na natin 'to." Alok niya sakin ng kamay niya kaya tinanggap ko naman iyon.

Naglakad na kami papunta sa next room namin at hinintay ang prof namin.

Pero buong klase ata ni Miss Summer, yung conversation lang ni Blake at John ang nasa isip ko.

What's with Liz again?

**

"Hoy! Ano bang bumabagagab sayo? Ay mali. Bumagagab. Bumagababag. Punyeta! Bu-ma-ga-bag! Ayon!" Inis na sabi ni Vanessa at umirap.

Natawa na lang kami ni Alexis sa inasta niya. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ni Lex. Boring sa kwarto namin e.

"Oo nga, couz. Anong nagpapabahala sayo?" Nguya ni Lex ng chips niya.

Bumuntong hininga muna ako. It's been two days since I eavesdropped. And sa two days na 'yun, hindi inoopen ni Blake sakin 'yun. Well, maybe ayaw niya kong mabother? Pero hindi niya alam na nab-bother na ko. -____-

"May narinig lang ako. And nabanggit nanaman ang pangalan ng higad."

Kumunot naman ang noo ni Van at tinignan niya ako. "Liz?" Tumango ako sa sinabi niya. "Oh, what about that girl?"

I shrugged. "Ewan ko. Nanggugulo nanaman ata narinig ko kasi nung isang araw kay Blake na sabihin na lang daw sa parents ni Liz para daw gumawa ng move para tumigil."

"Sino si Liz?" Sabat ni Lex.

"Yung pambansang higad ng pinas." Inis na sabi ni Van. "Then? Inopen ba sayo ni Blake 'yan?" Umiling naman ako. "Aba pucha."

"Ayaw niya ata akong magtaka. Eh kaso chismosa ako kaya narinig ko paguusap nila."

"Edi kausapin mo siya? I-open mo kaya para hindi ka magmukhang eng eng?" Suggest ni Van.

"No need. Gusto ko siya magopen mismo."

"Ano ba meron dun sa Liz na 'yun at parang galit na galit kayo?" Nagtatakang tanong ni Lex.

Campus QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon