Chapter 1

27.8K 547 38
                                    

Hi idol! Why so pretty?? ;)


My baby Katherine up there :)


----------
----------


Kate's POV

"Alec ayoko na! Hindi ko na kaya! Itigil na natin 'to!" sigaw ko sa kanya habang nakatayo sa harap niya. Siya naman nakaupo sa gilid ng kama.


"Honey--"


"Ayoko na! Gusto ko ng tapusin 'to! Palagi nalang ako! Puro nalang ako!"


"Honey calm down--"


"Hindi! Ayoko na! Ang tagal ko ng nagtitiis sa'yo ah! Lagi nalang ikaw yung-- mmmmm..!"


Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko dahil itong magaling at walang lagnat na si Alec ay hinalikan nanaman ako. Kanina pa 'yan. Parang ewan na pagkatapos akong halikan ay bigla namang tatawa.


"Ahahahahaha!" kita niyo na? Habang tumatagal ay palala na siya ng palala. "Damn. Your face was priceless!" sabi niya tapos biglang tatawa uli. Baliw na talaga 'to. Talaga namang priceless dahil walang nakadikit na price tag sa mukha ko.


Hindi rin naman ako nagbebenta ng mukha para lagyan nun noh. Pero hindi naman imposibleng mangyari yun. Malay niyo kasi bigla kaming maghirap ni Alec 'di ba? So kapag dumating yung time na wala na talaga kaming makain ay baka ibenta ko nalang talaga itong muk--


"Waaa! Bakit ka nanghahalik?? Hindi pa naman ako nauunggoy ulit ah!?" Huhu hindi pa nga binabalasa ulit yung mga baraha tapos talo agad ako? Maduga! *pout*




*tsup*



"Ay! Ayy! Alec naman eh!" hindi pa nga ako natatalo ulit tapos halik na ng halik! Bad hubby! Huhu!


Nakayakap na siya sa bewang ko habang nakatayo ako sa harap niya. "Alec ang daya mo. Hindi pa nga kita nauunggoy eh!" reklamo ko sa kanya habang nakayakap siya sa akin. Tumawa lang siya ulit tapos pinatalikod niya ako sa kanya saka niya ako pinaupo sa lap niya.


"I don't wanna be a monkey, Honey. That won't suit me." sabi niya habang nakapatong yung baba niya sa balikat ko. "Ano bang sinasabi mo Alec? Unggoy na taya lang sa baraha, hindi ka magma-mascot. May pa suit-suit ka pang nalalaman diyan." sabi ko sa kanya. At ayan! Tumawa nanaman siya!


Ewan ko nga dito kay Alec eh. Simula nang ikasal kami last month eh parang lalong lumala 'yang kabaliwan niya. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil alam ko naman na bata palang kami may sayad na siya. Kaya lang kasi.. nakakaawa. Alam niyo yun? Siyempre asawa ko siya kaya apektado ako sa nangyayari sa kanya.

MTAMB Book 2: Secrets UnfoldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ