*1

228 8 3
                                    

xxxx
Ang masokista ko lang. Tapos sila sadista.

xxxx

1.

"Ano na?"

"Ano'ng ano na?"

"Sama ka?"

"Hindi," sagot ko atsaka humilata sa kama pero pinalo niya ako ng unan kaya't sinimangutan ko siya. "Ba' ka namamalo?!"

"Magpalit kaya tayo ng katauhan tapos tanong mo mga tinanong ko at isasagot ko mga sagot mo, tignan ko lang kung 'di mo rin ako paluin ng unan!"

Mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya at puma-upo na sa kama. "Ang dami mong sinabi. Ayoko kasi. Katamad."

Hinawakan niya 'yong mga kamay ko at niyugyog. "Ba't ba ang supportive mo? Punyeta."

Nanlaki ang mata ko at tinampal ko 'yong bibig niya nang mahina. "What the?!" gulat ko pa ring sambit. "Ang mga beauty queens hindi nagmumura."

"Gago ka Vianca Teryss sagod to the bones." Sabay dirty finger niya pa sa 'kin kaya't hinampas ko na siya.

"Manahimik ka nga. Kadiri ka!" banta ko sa kanya at sinamaan ko ng tingin pero tinawanan lang ako.

"Gagawin ko 'yan sa sabado kapag hindi ka pumunta. Pagmumurahin ko lahat ng manunuod pati mga jugdes kapag wala ka ro'n."

Tumayo na siya mula sa pagkaka-upo rin sa kama ko at naglakad patungo sa pinto.

"Vanessa! Seryoso ka?!"

Tumayo na rin ako at sinundan siya palabas ng kwarto ko. Nagtutoy-tuloy lang siya papunta sa may sala at umupo ro'n. Tumingin siya sa 'kin nang may nakakalokong ngiti.

"Oo nga. Tangina."

Napabuntong hininga ako. "Oo na. Vanessa na ginagamit ang mura sa pamblackmail sa 'kin."

Natawa siya no'n sa sinabi ko. "Ikaw lang naman kasi ang takot na makita ako ng iba na nagmumura. Aba, ineng, kahit na sumasali ako sa mga pageant, tao pa rin ako. P'wede-p'wedeng magmura kahit na mga singkwentang puta pa."

"Shut up," sagot ko at tumabi sa kanya. "Ang pangit kasi pakinggan na sa ganda mong 'yan mura ka nang mura."

"Akala mo naman hindi ka nagmumura."

Napa-irap ako sa sinabi niya. "Sinabi ko bang hindi? Pero, kasi Vans, sa 'ting dalawa ako pa ang mas kapani-paniwalang nagmumura ng gano'ng kalutong. Hindi ikaw. Ako! Hello? Ano naman panama ng mukha ko sa mukha mong pang-dyosa?!"

Binatukan niya ako no'n kaya't inis akong tumingin sa kanya.

"Gaga ka. Idown ba naman daw ang sarili? Nababaliw ka na?" itinuro niya pa 'yong noo ko. "'Wag kang ma-insecure sa 'kin."

"Excuse me. Hindi ako na-iinsecure ako." Depensa ko.

"E, ano lang?"

"Wala." Sabay iwas ko ng tingin dahil nakatingin siya sa mga mata ko. "Taga-hanga mo nga ako."

"Punyeta, tigilan mo ako," sabi niya at tumawa. "Nasusuka ako."

"Bakit?! Buntis ka?" Hinawakan ko ang magkabila niyang braso. "Sino'ng ama?!"

The next thing I know, tumatawa na lang kaming dalawa na para bang wala ng bukas.

----*

Gusto ko nang patayin ang cellphone ko. Kanina pa tawag nang tawag si Vanessa at tadtad nang text niya ang inbox ko na pare-pareho lang naman ang nakalagay.

Ako, Siya at Sila Where stories live. Discover now