Mabuti na lang at tama ang akala ko. Ang amoy ng mais at ang tinig ng mga makinang gumagawa ay naririnig ko sa labasan pa lang. Ang daan daang sako ay nasa gilid lamang. Abala ang lahat sa mano manong quality check. Siguro ay tapos na itong ma proseso.

"Rosie!" salubong ni April.

Hindi pa ako makangiti ng maayos. I just can't get over what happened. Wala namang masama doon pero napapamura ako tuwing nag rereplay.

"April!"

Pinasadahan ko ng tingin ang buong corn milling. Naka uniporme si April ng polo shirt na may J.A. Foods sa gilid.

"Lika! Ipasyal kita..." aniya.

Tumango ako at sumunod.

Medyo nahihiya ako habang naglalakad kami. Dapat ay simpleng simple ang sinuot ko. Lahat kasi napapatingin sa akin habang naglalakad kami. Kahit iyong may ginagawa ay napapalingon.

"Rosie!" tawag ng isang kaklase namin noon. Ni hindi ko na maalala ang pangalan niya pero kinawayan ko.

"Dito ang bagsak ng mga kaklase natin noon na hindi nakapagcollege. Tulad ko!" Tumawa si April.

"Ikaw naman... Hindi ba nag college ka?" tanong ko nang 'di siya tinitingnan.

"Alam mo namang natigil ako dahil nabuntis. Anyway, ang laki na ng parika. Napasyal ka na ba dito?"

"Hindi sa corn milling. Sa food processing lang, e."

Tumango siya. "Sa bagay, noong kayo pa ni Jacob ay nandyan pa naman si Don Juan. Siya pa ang tumitingin dito. Abala si Jacob sa'yo noon, e."

Hindi ako nakapagsalita. Wala akong maidugtong. Nilingon ako ni April.

"Dito ang quality control. May mga sako diyang didiretso sa food processing para gawing kahit ano doon. Iyong iba, dinideliver na..."

Abala ang lahat ng naroon. Naisip ko tuloy kung mapapagalitan ba si April kung makitang naglalakad lakad at namamasyal lang kasama ko. Siguro ay hindi? Bukod sa magkaibigan sila ni Jacob, nalalapit na ang kasal niya. Everyone must be treating her special.

"Ang laki na nito. Alam mo noong nag apply ako, kay Sir Samuel Buenaventura pa iyon. Hindi ba siya iyong pinsan ni Don Juan? Ang hirap kaya. Umaabot naman kami sa quota pero dahil sa mga utang, gipit parin siya. Tapos naka ilang palit kami ng managers kasi mahirap. Nasa ibang bansa si Sir Samuel tapos kami lang dito."

Tumango ako. Natigil kami sa paglalakad sa gitna ng pagawaan. "Masaya ako na nakabangon na talaga ito ngayon..." sabi ko.

"Oo. Noong bumalik si Jacob, grabe, nag concentrate siya dito. Hindi ako makapaniwala. Hindi ka niya sinundan sa Maynila. Kahit na may HQ din kami doon. Maliit pa lang 'yon, ha? Tapos in a span of 6 months, biglang nag boom ang lahat. Ewan ko anong inaral no'n sa America." Nagkibit ng balikat si April. "And when I thought he'd come back to you, nagulat ako kasi sila na pala ng manager. Sa food processing iyong si Felicity, e."

I don't want to hear this. Para akong nahihilo habang sinasabi iyon ni April.

"Okay..." ngumiti ako pero halos magpalpitate na ang labi ko sa pagpipilit.

"But anyway, let's not talk about that... Pagkatapos noon, dinagdagan ni Jacob ng isang building. Para iyon sa mga bagong ipaprocess. May taniman kasi siya ng Palkata doon sa nabili niyang lupain..."

Nalingunan ko kung sinong sumasalubong sa amin. I saw Jacob in his long sleeve polo shirt. Nakatupi ito hanggang siko at ang kanyang dark blue jeans ay nagpahaba pa lalo sa kanyang legs. He looked fresh. Parang bagong ligo. Siguro kagagaling lang sa kanilang bahay.

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon