Cellphone #1

95 3 0
                                    

Yes! Tapos na ang pag-aaral ko after 7 hours. Haysss ^O^

BTW ako nga pala si Mei, 15 years old.

Pinapagalitan ako ngayong ng mama ko kasi nawala ko yung cellphone ko, 3 weeks ng nawawala ( lakas ko noh ! Kahit napapagalitan na kwento parin HAHAHA)

~FLASHBACK~
Habang wala kaming teacher, nilabas ko ang cellphone ko at nagbasa sa Wattpad pero sa kalagitnaan ng pagbabasa ko naihi ako, kaya pumunta ako ng cr.

Naglalakad nako papuntang cr ng may nakabangga saking lalaki

"Sorry" matipid na sabi sakin ng lalaki

"Ok lang" matipid ko ring sagot sa kanya at dumiretsyo nako sa cr. Pagkatapos ko umihi kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala na dun yung cellphone ko.

~ENDOofFlashback~

Monday

Pinapahanap parin sakin ng mama ko ang cellphone ko pero pag 'di ko na daw nakita, 'di nako bibilihan ~T_T~ (Azarr)

Natapos na ang araw at umuwi nako kahit 'di ko parin nakikita yung cellphone ko, imposible na kasi na mahanap ko yun noh.

In-open ko ung laptop ko at chineck ang fb ko.

"May nag friend request sakin,sino kaya to?" Tinignan ko, ang pangalan nito ay Mark James Perez. Kinalkal ko ang fb nya pero naka private. (Di ko parin kinompirm-'di ko kasi kilala)

Hanggat sa nagmessage ito sakin

"HI" sabi ni Mark
"HI btw sino kapo?" Sabi ko naman sa kanya. Sineen nya lang ang reply ko sa kanya.

Kinabukasan

Tinanong ko sa mga kaibigan ko kung may kilala silang Mark James?

Sumigaw yung isa kong kaklase sa likuran. Dumaan daw yung crush niya, tinatanong ko kung sino yun

"Si Mark James" di mo kilala yun? Famous kaya yun. Sabi sakin ng kaklase ko.

"Huh? Mark James" bulong ko sa sarili ko at sinilip ko naman kung sino yun, nakita ko siya Matangkad,Maputi at Matangos ilong pero nakita ko sa bulsa niya ang chain ng cellphone ko kaya hinabol ko siya.

"Mark!" Tawag ko sa kanya pero bakit para namula siya at pinapawisan.
"Mark ! Gusto kita maka-usap, magkita tayo sa Garden mamaya!" Sigaw ko ulit pero lumingon lang siya sakin.

Nagring na ang bell at dumeretsyo nako sa Garden, nagulat ako dahil nandun siya, hawak hawak pa niya ang phone ko. Tumakbo ako papunta sa kanya.

"Ikaw ba si Mark James Perez?" Tanong ko sa kanya

"Oo. Ako yun, ako yung nag- add sayo" sabi niya sabay ngiti

Inabot nya sakin yung cp ko at pinaliwanag bakit nasa kanya ung cellphone ko

"Wag mo sana ko pag-isipan na magnanakaw. Nakuha ko yan dahil nung nagkabunggo tayo, nalaglag yan sa bulsa mo. Iaabot ko sana kaso dumeretsyo kana sa cr kaya nahiya nako ibigay. 3weeks ng nasakin yan at diko nabigay kasi 'di kita nakikita.

Kinuha ko iyon sa kamay niya at na akap ko siya dahil nabalik na sakin yung phone ko.

"Maraming maraming salamat!" sabi ko sa kanya

"Kaya rin pala kita pinapunta dito da---" naputol ang pag sasalita ko dahil sumingit sya

"Dahil nakita mo sa bulsa ko ang chain ng cellphone mo at gusto mong itanong kung nasa akin" malungkot niyang sagot

"Ah oo, salamat din ah" sabi ko naman sabay lakad palayo.

Pag-uwi ko, binalita ko agad kay mama na nasakin na ulit cellphone ko. Ang saya kasi nasakin na ulit ang cp ko o∩_∩o

Cellphone ( One Shot )Where stories live. Discover now