Ang Barya

23.3K 312 13
                                    

Dollar's POV

Lunes talaga ang favorite kong araw. Bakit? Teka lang lalagpas muna 'ko kay Manong guard.

Okay nakalusot ako! *Grin

Napatunayan kong 'when you look people in the eyes, di na nila mapapansin kung anong suot mo... at makakalusot ka hindi lang kay Manong Guard kundi pati sa rules ng school na 'to tungkol sa complete uniform.

(^_^)

Medyo talented ako sa ganyan.

"Dollar!"

Napamulagat ako nang marinig ko ang pagtawag ng tanging tao na hindi ko malusutan. Pero siya din ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang araw na 'to, lumingon muna 'ko sa may-ari ng matinis na boses na tumawag sa 'kin at saka humanda sa pagtakbo nang mabilis...

Ito ang hinahanap ko palage, adrenaline rush. Kapag kase hinahabol ako ni Stacy, ang isa sa mga bida-bidang officers ng Student Council ng University, mas napapabilis ang pagpasok ko sa unang subject ko ngayong araw. Enjoy ako sa pagtakbo kesa pakinggan ang mga sasabihin niya sa mukha ko na mga school rules and regulations na nilabag ko.

Unang tuntong ko pa lang kasi dito ay pinag-iinitan na niya 'ko! Ano bang masama kung:

1. Naka-flat black shoes ako? Required kasi na two inches ang sukat ng heels na isusuot, asar ha, ayoko ngang magsuot ng ganon kataas, naglalakad ako papasok sa school atsaka gusto kong madali akong makakatakbo.

2. Wala akong ID? Nakalimutan ko, nakasabit 'yon sa salamin eh.

3. Naka-highlights daw ang buhok ko? Tss... Natural 'yan, ayaw maniwalang medyo mestisa ako

Uhm iyan lang naman ang sa tingin ko ay napansin ni Stacy, pero minsan pag naaabutan niya ako ay marami pa siyang napupuna katulad ng kung bakit daw nakatupi ang long sleeves ko. Well, mainit kasi lalo na at hanggang lunch break ay hina-hunting niya 'ko.

At wala sa tamang sukat ang skirt ko na parang kinapos sa tela at ire-recite na niya ang favorite piece niya tungkol sa pagiging hindi magandang ehemplo sa mga estudyante lalo na at Chairwoman ako ng klase. Haay...

Di ko naman siya iniintindi madalas dahil nga palage ko siyang tinatakasan pero sana lang tigilan na niya 'ko soon. Tss!

Mas binilisan ko ang pagtakbo, binebelatan siya kapag nililingon ko siya. Bwahaha!

"Dollar Mariella Viscosss!" sigaw pa din niya.

Malawak lawak din 'tong University namin kaya sige lang ako sa pagtakbo lang, walang pakialam kung may nabangga na grupo ng mga estudyante na parang hahabulin din ako. Sorry!

Nilingon ko ulit si Stacy, medyo malayu- layo na rin ako pero nakita ko pa din nang may kinausap siyang mga estudyante at tinuro ang direksyon ko.

Aba't! Humingi ng back-up!

Ano ba kasing problema sa kanila, bakit ganon na lang ang pagsamba nila sa rules and regulation samantalang ilang pirasong papel lang naman iyon di ba! Oo, oo ganyan kabaluktot ang prinsipyo ko. Sinisisi ko sa dalawa kong kaibigang lalake na walang kinatatakutan kundi lumilipad na ipis.

Pumasok ako sa isang room nang medyo nakayuko... pinakiramdaman ko muna ang paligid...

Hmn...walang tao ah, tahimik... Lumilinga-linga 'ko.

"Aray kup---!"

Masakit iyon! Nabangga ang paa ko sa kanto ng paa ng lamesa. Natuloy na ako sa pag-upo dahil sa kawawa kong paa (Y_Y)

Ang bilis ng karma ngayong umaga ha! Narinig ko ang boses ni Stacy, lalo na at hindi ko pala nasarado ang pinto. Nagtago na lang ako sa ilalim ng lamesa, nagtataka dahil bakit may mge desks? Mukhang hindi naman ito faculty room. Ilang semester na 'ko dito pero naliligaw pa din ako sa University.

RION (Complete)Where stories live. Discover now