Chapter 5

4.4K 73 0
                                    

"Azenith Kaye Salvador! How could you?!" kapag buong pangalan ko na ang binanggit ni Hanz ibig sabihin lang galit talaga sya.

"Hey! Matanda pa rin ako sayo. So you better watch your tone." hindi naman ako galit, pero seryoso ang tono ng boses ko.

"Matanda ka lang ng isang araw. Pero wag mong iwala ang usapan! What's with this photo, huh?! Kayo na ba ng sira ulong yon?! Last time i check, si Louise ang pinopormahan nya!"

Tama si Hanz, magkasunod ang birthday namin kaya sa lahat ng pinsan ko, sya ang ka close ko. Wala kasi akong mga kapatid kaya over protective ang mga pinsan ko sakin lalo na sya.

"Ang sabi nya girlfriend na nya ko as of mmm... Three, four hours ago?" humina ang boses ko sa huling sinabi ko. Nakakahiyang aminin kasi hindi man lang ako niligawan. At tama si Hanz, kahapon lang si Louise ang nililigawan tapos ngayon kami na.

"What?! Tanginang gagong yon ah! Dinala ka sa sapilitan?! May usapan kami ng gagong yon tapos ginanyan ka?! Uuwi ako next month, mapapatay ko ang tarantadong yon!" hindi talaga mapagmura si Hanz pero pag galit na galit talaga, ganito ang mga lumalabas sa bibig nya. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sya.

Nasa Singapore ngayon si Hanz dahil may conference syang in-attend. General Manager na kasi sya ng isa sa malaking Pharmacy sa bansa kaya lagi syang busy. Ang daya nga eh. He's only 20 pero GM na. Sabagay, genius kasi sya. 17 palang kami may MBA na. Ang pamilya din nya ang pinaka may kaya sa angkang nila daddy.

"Hey chill lang. I got this ok? Pero thanks sa concern. Kaya nga love na love kita eh."

"Tch! Wag mo kong idaan sa lambing. I'll see you next month ok? Love you." di na nya ko pinagsalita pa at binaba na ang telepono.

Lalong sumakit ang ulo ko sa pinag usapan namin. Ano bang nangyayari sa paligid ko?

--

Tok tok tok

Naalimpungatan ako sa mga katok na yon. Tiningnan ko muna ang digital clock sa may bedside table ko bago ako tumayo.

5:19 pm

Humigit-kumulang na dalawang oras din pala akong nakatulog at hindi na masakit ang ulo ko.

"Zen! Zen! May bisita ka." boses yon ng receptionist sa dorm namin. Nasa first floor lang kasi ako ng building at room 1 pa kaya hindi na sila tumatawag pa sa telepono.

"Nandyan na." narinig ko ang mga paalis na yabag nya pero instead na lumabas na ko, dumeretso muna ako sa CR at naghilamos at toothbrush.

Pandalawahan ang mga kwarto dito pero dahil nag graduate na ung dati kong kasama kaya mag isa ako ngayon dito. Mas may privacy.

"Anong ginagawa mo dito?" nadatnan kong nagkakape sa receiving area ng dorm si Zuriel. Inabutan pa nga nya ko ng kape na binili nya sa isang sikat na coffee shop. "Thanks" saka ako umupo sa katapat na sofa.

"Dito ka nga. Ang layo mo naman." malambing naman ang pagkakasabi nya kaya siguro napasunod nya ko at naupo sa tabi nya. Since pandalawahan ang sofa kaya nakadikit ako sa kanya. Automatic namang inakbayan nya ko at nag dekwatro pa sya.

"Cosy much?" sinimsim ko ang bigay yang kape kaya kahit papano nainitan ang tyan ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom.

"Musta ang pakiramdam mo?" nagkibit balikat lang ako dahil wala pa ko sa mood na makipag usap talaga. "Kain tayo sa labas mamaya. Pinagpaalam na rin kita na sa bahay ka matutulog."

Tiningnan ko sya ng masama dahil hindi man lang nya ko tinanong.

"What?! Girlfriend na kita ah." since pinaalala nya yon, kailangan na talaga naming mag usap about don.

"Let's go. Kailangan nating mag usap pero wag dito."

Nagpatiuna na ko palabas at dumeretso sa sasakyan nya na nakaparada. Pinatunog nya ito at sumakay na ko ng di sya hinihintay. Nakita ko ang pag iling iling nya habang pasakay sya. Alam ko naman kung para saan ang iling na yon. Masyado kasi syang chivalrous to the point na sya na lahat ang gumagawa para sa babae.

May mga naging girlfriends naman sya. Since high school kahit na patay na patay sya kay Louise, may mga niligawan naman at naging sila nung mga babae. Last year lang talaga sya nag focus kay Louise kaya siguro devastated din ng magka boyfriend ito. Hindi na rin kami gaanong close ni Louise kaya hindi ako updated sa love life nito. Ang alam ko lang at base sa nakikita ko dati, nanligaw ang isang to kay Louise.

Dumaan muna kami sa isang restaurant para mag take away ng pagkain. Sa apartment nalang daw nya kami kakain. Hindi naman ako umimik dahil ang daming tumatakbo sa utak ko. Sya na rin ang bumaba ng sasakyan at nag order.

Ngayong mag isa ako sa sasakyan nya, mas nakakapag isip ako sa mga bagay bagay. Ang dami pang nagpapalito sa akin sa mga nangyayari. Parang ilang araw, buwan, na ang lumipas na kung tutuusin kagabi lang yon.

Pagdating sa apartment nya, naupo lang ako sa sala habang sya hinanda ang biniling pagkain. Wala pa ko sa mood na magkikilos at makipag usap sa kanya. Para ngang mas gusto ko pang manatili nalang sa dorm.

"Let's eat." tumayo na rin ako at sinaluhan sya. Hindi pa ko nakakakain ng maayos simula kanina. Sandwich lang ang kinain ko na binili nya bago kami pumasok.

Wala kaming imikan habang kumakain hanggang sa hugasan nya ang mga pinagkainan namin.

Naupo lang ulit ako sa sofa habang hinihintay syang matapos. Kinuha ko ang remote at in-on ang tv pero nilagay ko ito sa mute. Nakatulala lang ako dito pero alam ko na lagpas ang tingin ko. Nawiwindang na kasi ako sa mga nangyayari.

"Hey, do you mind if i just take a shower?" shower? Shower?! Ako nga di na nakapag shower pa kaninang bagong gising ako. Bakit ba ang slow ng utak ko ngayon?

Umiling nalang ako bilang sagot sa kanya at nagpatuloy sa pag iisip. Iniisip ko kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? Ipagpapatuloy ba namin to? Si Louise naman ang mahal nya so what's the use of this relationship? And hindi ko rin sya mahal para makipagrelasyon sa kanya. What about our friendship? Masisira ito once na nag break kami. Pati sa mga pinsan ko baka magkasiraan sila.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" hindi naman ako nagulat ng marinig kong magsalita si Zuriel, pero nagulat at napanganga ako ng makita kong nakabalandra ang katawan nya sa harapan ko. Katulad kagabi, biglang naka malisya ang tingin ko sa kanya. Bigla nalang tuloy nag init ang mukha ko ng maalala ang nagyari kagabi.

"You're blushing." i saw him smirked before he sat next to me and snaked his arm around my shoulders. "thinking about last night?" napaigtad ako ng ilapit ang bibig nya sa tenga ko.

Tumawa sya ng mahina sa reaksyon ko kaya tinulak ko ng mahina at tiningnan ng masama.

"You wish!"

"Hon, you don't know how i really wished for last night to happen. Naniniwala na talaga ako sa mga wishes. Because being your boyfriend," inakbayan nya ulit ako at iniangat ang mukha ko para matingnan sya. "Is a wish come true."

"Wha-what?!" napatayo ako sa sinabi nya, romantic as it sounds pero dapat si Louise ang sinasabihan nya nito. Pinapractice-an nya ba ko?

The Kissing Game Series 5 - Strip PokiesWhere stories live. Discover now