Missie POV
Dalawang araw na matapos yung plano namin. Hindi namin nakuha ang mga kalaban pero nakita namin ang itsyura nila sa Hidden Camera. At dalawang araw narin na hindi namin nakita si Lucy.
Minsan nga pinupuntahan kami ni Zen dito. O kaya tatawag at itatanong kung na kita na naming. Ganun din naman si kuya Steffen minsan pa nga pinapatawag kaming tatlo nila Ria at itatanong kung nasaan si Lucy.
"Missie, na alala mo ba yung huling sinabi ni Lucy bago siya mawala?" Tanong ni Ria kaya napaisip ako. Ano nga ba yun?
"Tracking device." Sabay naming sabi ni Lexie. Agad ko namang kinuha yung laptop ni Lucy. Oo nandito ang laptop niya ewan ko ba sun mas safe daw kasi dito.
Agad kong binuksan ang Google map para makita ang exact na lokasyon..
*loading
*tracking device
"Ria, Lexie tignan niyo ito." Tawag ko sa kanila kaya lumapit sila at tinignan yung nakita ko. "Ayan yung pinaka lumang bodega sa west. Sabi nila wala saw nagmamay-ari niyan kaya walang pumupunta." Paliwanag ni Ria ng makita niya yung itsura.
"Hindi kaya dyan nila dinala si Lucy?" Tanong ni Lexie at tumungo naman si Ria bilang sagot.
"Pupunta tayo dyan bukas." Seryoso kong sabi sa kanila. Baka kung ano-ano na ang ginawa nila kay Lucy dyan.
"Hindi tayo dapat mag padalos-dalos sa mga desisyon natin. Kailangan natin mag plano." Kontra ni Ria sa sinabi ko at sinag-ayunan naman ni Lexie. "Hindi natin nakakaya ang bagay na iyan. Kailangan natin ng tulong, kailangan nation ng kasama at magaking mag plano." Dagdag pa niya. Sa totoo lang hindi ako magaling sa pag paplano kaya minsan palpak ako sa mga Gawain ko pero natutugunan ko naman iyon.
"Anong ibig mongsabihin? Na kailangan natin ng pulis at kung ano-ano pang sumusunod sa batas!" Na bubwiset na sabi ni Lexie kaya nagkatinginan kami ni Ria atsaka tumawa.
"Tanga! Kailangan natin sila Dave, Drew,Zen, at Dhrei. Kasi malaki ang maitutulong nila sa atin." Paliwanag ulit ni Ria kaya napakamot nalang ng ulo si Lexie.
Dave POV
"So, anong plano?" Tanong ni Drew sakanila. Nandito kami ngayon sa hide out ng rebels sa school. Kahapon kasi tumawag sila sa akin ang sabi magkita daw kami sa garden at isama ko daw yung tatlong kolokoy.
YOU ARE READING
The REBEL's GAME
Teen FictionAng larong binuhay ng mga rebelde mula pa sa henerasyon ng kanilang mga magulang ang matutunghayan natin sa Wistalia Academy! Ano nga ba ang dahilan ng pagkawala ng larong ito noon? At bakit nga ba binuhay itong muli ng apat na babaeng rebelde? Mana...
