Gaano nga ba kabilis magtiwala?
'Tss. Hindi pa nga nabubuo tiwala ko sa'yo, sinira mo na agad.'
Bakit nawawala ito?
'Nagpapasalamat ako at maaga pa lang nangyari na.'
Gaano nga ba kahirap ibalik ang tiwala ng isang tao?
'Congratulations, mutual na ang nararamdaman niyo ng forever mo.'
Paulit-ulit kong tinatanong 'yan sa isip ko at tanging boses niya lang ang naririnig kong tugon.
Hanggang ngayon, iniisip ko kung paano nga ba ako paniniwalaan ng taong higit ko ngayong pinahahalagahan.
Bawat tingin at salita na binibitawan niya, unti unting dinudurog ang puso ko.
'Hindi ko dapat hinayaang mangyari ang gan'ong bagay.'
Ako ngayon ang lubos na nasasaktan dahil sa sarili kong kagaguhan.
-
Based on true story 'yung first part nito. Binago ko lang ang huli. Hahaha.
YOU ARE READING
Someone's Always Saying Goodbye
RomanceGoodbye. What is the happiness of letting go? In every story, Someone's Always Saying Goodbye....
