Chapter 10

0 0 0
                                    

IO'S POV

At magic. Magkatabi na kami dito sa guest room.



"Tulog ka na ba?" Narinig kong bulong nya.



Magsasalita na sana ako pero, "Tsh. Malalaman ko pa ba? Nababaliw na ata ako...."




Dinugtungan nya ang nauna nyang sinabi, "...sayo"




Napabalikwas ako, "Ano?"





Bigla syang nagtulog-tulugan.





Inalog-alog ko sya, "Huy, anong sabi mo? Uy Lyon? Anong sinabi mo?"



Nagpatuloy ako sa pag-alog sa kanya at bumangon sya, "WALA! SABI KO KUNG NAGPANTY KA BA AT KUNG NAKAIHI KA NA!"


"Weh? Hindi yun ang sinabi mo eh!"




"Anong 'weh'? Saan mo natutunan yun?"





"Narinig ko lang sayo-----oy teka, ano nga sabi mo?"





"Yun nga! Dapat umihi ka na! Madadamay ako pag nagswimming ka sa 'yellow creepy liquid' called urine."




"Ang yabang mo," humiga na ulit kami pareho.


Bumulong ako, "Ah basta narinig ko yun.."



"May sinasabi ka?"



"Sabi mo nababaliw ka na sakin eh"



"Hindi ikaw ang kausap ko. May kausap ako sa phone ko.."




"Ano yung phone?"






"Para makasend ng message, para makipag-usap.. Walang ganun sa inyo?"


Ah, parang telepathy.


"Wala."



Nag-appear sa isip ko ang phone na sinasabi nya.


Tumingin ako sa katabi kong bedside table.



Eto yung phone nya oh. Sino kausap nito?



"Matulog ka na. Okay?" Narinig ko ulit na bulong nya.





Hindi ako nagsalita. Bumangon ako at bumaba sa kama at pumunta sa tapat nya at tiningnan sya.





"Tulog ka na agad?" Bulong ko.




Biglang lumipat ang katawan nya sa kabilang side ng kama.





"Ang likot mo naman matulog" lumipat naman ako sa side na yun.




Pagkalipat ko dun, lumipat sa ulit sa kabilang side, "Teka ang gulo mo! Nag-oorbit ka ba?"




Itinulak ko sya at umupo sa tiyan nya. Hawak hawak ko ang magkabila nyang kamay.






"Likot-likot eh. Ngayon lang nga ako nakakita ng lalaki... Na ganyan.. Na mukhang kauri ko.."



Bakit kaya ako lang ang kakaiba sa black hole? Ganito ang katawan ko.. Parang taga-Earth. Pero.. Sila ay iba.. Parang mga robot sa galaw at tigas ng katawan.


Ako lang ang nag-iisang ganito sa black hole.





Kailangan ko ng tapusin agad ang misyon ko. Misyong magdala ng kapareha ko sa black hole.





Oo, yun ang misyon ko. Iba ang trato nila sa akin dahil kakaiba ako. Bilang sa mga kamay ko ang mga kaibigan ko doon.




Paano kami makapagpaparami kung ako daw ay kakaiba?





Paano daw makakapagparami kung wala akong kapareha?


Sa tingin ko, dapat ko na yong tanggapin. Ang parusa kapag sila ay dumating na wala akong dala.

She's From The Black HoleWhere stories live. Discover now