His Proposal 5

1.3K 80 3
                                    

Maine's POV

Biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Kaya napahawak ako sa braso ni Sir Alden. Takot kasi talaga ako sa kulog at kidlat.

Bigla syang tumingin sa'kin. Naalala kong kapit ko nga pala sya at para akong batang natatakot.

"Sorry."

At lumayo na ako sa kanya. Nakita kong biglang gumuhit ang isang ngiti sa labi nya.

"Okay lang. Nang dahil sa ginawa mo...naalala ko bigla si Meng. Takot na takot kasi yun sa kulog at kidlat...kaya palagi yung sumisiksik sa'kin."







Nagulat ako nang hubarin nya yung coat nya at nilagay sa balikat ko.

"Suotin mo 'to para hindi ka lamigin."

"Pero sir-"





"Alden na lang. Wala naman tayo sa office eh at isa pa...hindi ba magkaibigan na tayo?"



Tumango ako.
"Thank you Alden."



Hindi ko akalaing gagawin nya yun sa'kin. Istrikto syang boss pero...mabuti pala syang kaibigan.




Naalala kong may earphone pala akong dala. Kinuha ko ito at tinakid sa cellphone ko. Binigay ko sa kanya yung isa...

"Mag-soundtrip na lang muna tayo para hindi tayo ma-bore."




At kinuha nya ito para itakid sa tenga nya.








Alden's POV

Makalipas ang ilang oras, tumigil na rin ang ulan. Napatingin ako kay Maine na kasalukuyang nakapatong ang ulo sa balikat ko at mahimbing na natutulog. Masyado yata syang napagod kaya hinayaan ko na lang na makatulog sya.

"Maine! Maine!"



Napilitan akong gisingin sya dahil kailangan ko pang maghanap ng pinakamalapit na talyer dito o hindi kaya bahay na mahihingian ng tulong. Hindi kami pwedeng abutan ng umaga dahil may presentation pa kami bukas.


Nagising naman sya at tumayo na.

"Sorry, nakatulog pala ako."

"It's okay. Aalis lang ako sandali para maghanap ng talyer. Tingnan mo na lang kung may signal na dyan sa phone mo."

Tumayo na rin ako.

"Pero Alden...sasama ako. Tutulungan kitang maghanap para mas mabilis tayo."

"Hindi na. Baka may mangyari pang masama sa'yo. You better stay here for your safety."


"Pa'no kung ikaw naman ang mapahamak? Boss kita kaya kailangan kitang protektahan."


Mukhang makulit talaga ang isang 'to.

"Sige na nga. Maghiwalay na lang tayo para mas madali tayong makahanap."


"Sige. Ako na lang dun sa part na yun."






At nagsimula na syang maglakad.

"Maine teka lang..."



Lumingon sya sa'kin...

"...mag-ingat ka."





At naghiwalay na kami para parehong maghanap.






After a few minutes, hindi pa ako masyadong nakakalayo nang may marinig akong sigaw.

"Aaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!"








Naalarma agad ako. Si Maine yun at hindi ako pwedeng magkamali dahil narinig ko ang sigaw sa direksyon kung nasaan sya.

His ProposalWhere stories live. Discover now