GVSB Chapter 3

3K 43 0
                                    

Kara's Pov

OMG! Is this the end of my life? Ok Medyo oa pero Gosshhh!!!

"Sorry, hindi ko talaga sinasadya na pumasok. Na-curious lang naman kasi ako kung-----" napatigil ako ng bigla syang magsalita

"You can leave now"

"Ok" sabi ko nalang at tumakbo na palabas at sa kinamalas-malasan natalisod pa ko sa may pintuan.

Napapikit nalang ako habang inaantay na bumagsak ako. Bakit antagal? Dinalat ko ang mata ko.

"Bitawan mo nga ko" sabi ko at tinulak sya. Bumitaw naman sya.

"Kung wala ako edi sana nalaglag kana dyan. Buti nga sina------ Dude, anong ginagawa mo dito?"

Napalingon ako. Kinakausap nya pala yung lalaki kanina.

Tinaas nya yung libro nyang hawak.

"I forgot this" sabi nya at umalis na

Humarap ako sa kanya at nagcross arms. Napatingin ako sa mukha nya. Wait, he's familiar. I think nagkita na kami.

"Done checking me out?"

"What!?" kunot-noo kong tanong

"Come with me" sabi nya at hinila ko

Tinanggal ko naman ang pagkakapit nya sa wrist ko.

"Ayoko. Ni hindi nga kita kilala. Mamaya rapist ka"

"Sa gwapo kong to? Tyaka kung rapist man ako hindi-hindi kita gagalawin. Hindi ko type ang mga katulad mo"

Nakakainis. Kailangan sabihin ng harapan na hindi nya ko type? Parang nung isang araw lang pumipick-up lines pa sya. And yes, I remember him na. Sya yung nagsabi na stalker nya daw ako. Like duh? He's not my type.

"Hindi rin naman kita type"

"Talaga lang ha? Diba nga stalker kita?" sabi nya at lumapit sa akin kaya naman napaatras ako

Agad ko syang tinuro dahil sa kinakabahan ako sa mga lapit nya.

"Don't come near me" sabi ko "Ang kapal mo. Never kita inistalk at never ko ring gagawin yun sayo"

Napasmirk naman sya.

"Admit it, you like me, right?"

I rolled my eyes.

Ang kapal talaga. Hindi ko alam kung bakit napaka assuming nitong lalaking to.

"Sorry but I don't like you" ngumiti pa ko ng nang-aasar

"Aamin ka rin" sabi nya at nagsimula ng maglakad pa alis

I just rolled my eyes at naglakad na rin paalis. Gosh!! Bumabalik nanaman ang dating ako. Nagagawa ko nanamang magditch ng klase -.-"

Sheena's Pov

"SHEENA, pinapatawag ka ni Ms. Rica"

Nag nod ako at nagpasalamat na rin sa kanya.

"Araw-araw nalang. Kelan ka ba magkakaroon ng free time. Aantayin ka pa ba namin?" tanong ni Joan

"Hindi na. Siguro sasabay nalang ako kay Ysa. Mag-ingat kayo" sabi ko at nagwave ng kamay as goodbye

"Bye" sabay nilang sabi ni Kara

Tumakbo na ko papuntang library.

Pagdating ko nakita ko si Kevin at si.... Drake. OMG! nakita ko nanaman sya. Feeling ko nagmumukha na kong kamatis kahit na hindi pa ko nakakalapit sa kanila.

"Ms. Rica, pinapatawag nya daw po ako?"

"Oo, sorry kung naistorbo kita Ms. Andres pero alam mo naman kasi na sa lahat ng students ikaw lang talaga yung lagi nagvovolunteer na tulungan ako"

Nginitian ko nalang si miss at tinanong kung anong matutulong ko. Sinabi naman ni miss bantayan ko daw tong dalawa dahil baka tumakas.

"Mr. Padilla and Mr. Ramos, makakaasa ba kong magtitino kayo?"

Tumango naman yung dalawa bilang sagot.

"Ms. Andres, maraming salamat. Kung hindi lang talaga ako busy ngayun"

Nag nod ako at ngumiti. "Ok lang po, miss. Gusto ko rin pong makatulong"

Nauna na kong naglakad. Inexplain ko na din sa kanila kung san nila dapat ilagay yung mga libro.

Habang tamad na tamad silang maglagay ng libro, iniisip ko kung ano nanaman kayang gulo ang pinasok nitong dalawa.

"Kung tinutulungan mo kaya kami? Hindi yung nakatayo ka lang dyan" sabi ni Kevin

[[BLAG!]]

Nagulat ako ng ibagsak ni Drake yung tatlong librong kapit nya.

"Imbis na magagandang babae kasama ko. Naunsyami pa. Ikaw kasi eh" Drake

"Ako? Ikaw nga tong nag-umpisa ng gulo" sabi naman ni Kevin

"Dude, sinabi ko naman kasi sayo tawagan mo si Quen para hindi tayo nag-aayos ng libro ngayun"

"Busy nga kasi sya. Sabi nya para daw matuto tayo"

Aisshh!! Nag-away pa talaga sila ngayun? Pwedeng mamaya pagnatapos na nila yung pag-aayos? Baka iwanan na ko ng pinsan ko nito eh.

"Pwede ba! Tapusin nyo na muna yang ginagawa nyo ng makauwi na ko" sabi ko

May nagring bigla na cellphone. Pakuha na ko ng phone ko ng maalala kong sinilent ko nga pala. Napatingin ako sa dalawa. Nakita kong kinuha ni Drake yung phone nya kaya naman nabigla ako. Magkaparehas kami ng ringtone? As in? OMG !!

"What!?.... Oh, ikaw pala.... Yes, She's Kara Bernardo.... Really?.... Nice one, couz.... Thanks.... I'll call you later"

Teka Kara daw. Ano kayang meron? Dalawa lang ang naiisip kong reason. It's either may balak syang masama o kaya naman may gusto sya kay Kara. At kung meron man hindi ko na alam ang gagawin ko.

Girls vs Boys (kathniel, Julquen, Soflil, Yeneil)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon