GVSB Chapter 2

3.1K 45 4
                                    

GVSB Chapter Two

Kara's Pov

Pagpasok na pagpasok ko palang naririnig ko ng nagbubulungan yung mga students. Ang aga-aga chikahan sila ng chikahan. Kung makatingin pa wagas.

"Hey Kara"

Napatingin ako sa lalaking bumati sa akin.

"Hey!......Do I know you?"

"No" mabilis nyang sagot at naglakad na

Napa-iling nalang ako at naglakad.

May isa namang lalaki nag hi sa akin. Hindi ko nalang pinansin.

"Nakadrugs ba mga tao ngayun?" umiling ako at tumuloy lang sa paglalakad

Napadaan naman ako sa isang room na hindi pamilyar sa akin. Kelan pa nagkaroon ng ganto dito?

Kinapitan ko na yung doorknob para buksan yung punta ng biglang may nagsalita.

"Excuse me?"

Napalingon ko.

"Sheena, ikaw pala. Bakit?" tanong ko

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Gusto kong i-check kung anong meron sa loob" sabi ko

"Wag!" pagkasabi nya agad nya kong hinila sa may gilid ng puno

"Oa ng reaction? Teka, bakit naman? parang i-checheck ko lang naman"

"Basta wag! Ilang taon kang nawala. Hindi mo na alam kung anong nangyari noon"

Ang weird pero tumango nalang ako.

"Hay salamat naman. Sige mauna na ko. Kita nalang tayo mamaya"

Nag nod ako at ngumiti. Nangpapalayo na sya. Napatingin ulit ako dun sa may pintuan. Wala naman sigurong masama kung titignan ko lang diba? Wala naman akong papakialaman. Titignan ko lang talaga.

Nagsimula na kong maglakad at lumingon lingon pa ko para tignan kung may tao ba. Mabilis kong pinihit ang doorknob at agad pumasok sa loob.

Nagulat naman ako sa nakita ko. What the-bakit may tv dito at sofa? At di-aircon pa? Pano nagkaroon ng ganto dito? May nakita din akong mga books at study table sa gilid.

Lumakad na ko pabalik para umalis na ng makita kong bumukas yung doorknob.

"OMG! I'm so dead"

Joan's Pov

Pagka-ring ng bell nagsipasukan na kami sa room. Napansin kong wala si Kara. Akala ko nauna na yun?

Lumapit ako sa isang kaklase namin at nagtanong.

"Excuse me, nakita mo ba si Kara?"

"Hindi eh"

Nagtanong din ako sa iba pero hindi daw nila nakita. Tinext ko na din sya pero wala ni isang text. San naman kaya nagpunta yun.

Umupo na ko sa upuan ko ng dumating na si Miss kasabay din ng pagdating ni Mr. Yabang.

"Sorry, I'm late"

"It's ok, Mr. Gil. Kadadating ko lang din naman" sabi ni Miss na kinikilig pa

Tsk. Favoritism >.<

Napatingin sya sa akin kaya naman tinaasan ko sya ng kilay. Nag smirk naman sya.

Bakit nga ba ko naiinis sa kanya? Simple lang kasi napakayabang nya akala nya sya lagi ang bida. Akala nya sya lagi ang matalino. Malakas ang loob nya kasi nalalamangan nya ko. Top 1 kasi sya sa klase at ako naman ang pangalawa. Lagi kaming pinagkukumpara at naiinis ako dun. Naiinis ako dahil kahit anong gawin ko sya lagi ang magaling sa mata ng iba. Hindi ko alam kung bakit sya nag ta-top sa klase. Lagi naman syang nagdiditch tapos minsan late pa sya at madalas din syang lumalabas kasama ng mga kaibigan nya. Minsan nga naisip ko hindi kaya binabayaran nya yung mga teacher para ipasa sya? Nabalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni Miss.

"Ms. Montes, are you listening?"

"Uhhh sorry, miss. Pwede po bang ulitin nyo nalang?"

"Miss" sabi ni mr. yabang habang nakataas ng kamay

"Yes, Mr. Gil?"

Nakakainis pabida nanaman sya. Umupo na ko at nag cross arms. Hindi ko na pinakinggan ang sagot nya.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko to sa bulsa ko.

---

From: 09XXXXXXXXX

1 point for me, ms. pikon :P

---

Napalingon ako kay Mr. Yabang. Umismid nalang sya at tumingin na ulit kay Miss.

Nakakainis!!!

---

N/A: Chapter Two done! Pasensya na sa mga natagalan. :D

Follow . Read . Vote and Comment .

Girls vs Boys (kathniel, Julquen, Soflil, Yeneil)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon