“Ganun ba. Cge, papunta nako.” Agad siyang lumabas ng room pagkatapos.

Ang tahimik ng room ngayong ako nalang mag-isa.

Ano kayang sinabi ni Steph at umalis si JM?

Favor kaya?

O baka, sila na?

Napailing ako. Ang dami ko naman masyadong iniisip. Mabuti sigurong tapusin ko nalang tong paglilinis ng makauwi narin.

Nililigpit ko na yung gamit ko ngayon. Umupo muna ako saglit kasi yung ilalim ng desk ko ang daming kalat.

“Ui girl, okay ka lang?”

  

Pagtingin ko sila Ella pala, “Akala ko nakauwi na kayo.”

“Eh, hehe. Nakita kasi naming pumasok si JM boy kaya nakiechos muna kami.”

Natawa nman ako dun. Sira talaga tong si Ella.

“Tara na nga.” Hinila ko na yung dalawa palabas ng classroom.

Nakalabas na kami ng school at hanggang ngayon, di pa talaga nauubusan ng salita itong si Ella tungkol kay Steph. Nalaman kasi niyang umalis si JM kasi tumawag si Steph. Haha. Pati si Cyndie naiingayan na.

“Ella, stop—“

“Pauwi na kayo?” sabi niya habang nakaakbay kay Cyndie.

Oh-oh. Mas lumala ata yung pagkabadmood ni Cynds ah. Kahit kailan talaga, si Dan, ang kulit!

“Hatid na kita Ms. Bewutipul.”

Natawa naman kami ni Ella. Loko talaga tong si Dan. Ayun tuloy nasikmuraan ni Cynds.

“Sakit nun ah.” Sabi niya habang nakahawak parin sa tiyan niya. Nag-eenjoy pa talaga siyang inaasar si Cynds. Tawa parin ng tawa.

Di siya pinansin ni Cynds at naunang lumakad samin.

“Problema nun?”

“Nagtanong ka pa.” eh siya naman yung dahilan kung bakit umalis yun eh. Iniwan tuloy kami ni Cynds.

“Chill Ms. JM!!!”

Agad kong tinakpan yung bibig niya tsaka pinandilatan siya. Baka ano pang sunod na masabi niya. Maibulgar niya pang crush ko si JM. Tsaka anong Ms. JM pinagsasabi nito? Pano kung may makarinig? Eh nayari ako pagnagkataon! Mapagkamalan pakong Misis or girlfriend ni JM. Siraulo talaga to.

Asus. Kinilig ka naman.

Napangiti tuloy ako. What a shame. Mwahaha.

PAK!!

“Ang sakit nun ah, Ella!” sigaw ni Dan. Binatukan lang naman ni Ella. Buti nga. Mwahaha. ^.^V

“Gusto mo bang tahiin ko yang bibig mo?” creepy. Nasasabi pa niya yan habang nakangiti? Katakot.

Naghand gesture agad si Dan na zinizipper yung bibig. Haha. Kawawa naman. Natakot ata talaga kay Ella.

Nanlaki naman yung mata ko ng lumapit si JM samin at hinihingal pa.

“Tapos ka na?”

Tumango lang ako tsaka nag-iwas ng tingin. Rereact pa sana si Dan kaso pinandilatan ni Ella kaya tumahimik agad. Kaya umalis nalang siya pagkatapos. Mukhang hahabulin ata si Cynds. Buti narin yun baka ano pang masabi niya, andito pa naman si JM.

“Pasensya na. Hindi man lang ako nakatulong sa paglilinis.”

“Okay lang.”

“Sabihin mo, pano ba ko makakabawi?”

Tumingin si Ella sakin. Yan tingin yan. Nakuuu. Alam ko nang ibig sabihin yan. Parang sinasabi niyang, sunggaban mo na girl!

“H-Ha? W-Wag na. Okay lang talaga. Cge alis muna kami.” Tatalikod na sana ako kaso hinawakan niya yung braso ko. Libu-libong kuryente yung dumaloy. My gas. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko.

“Please, let me do this favor.” mahina niyang sabi habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

Hikab Story ♥Where stories live. Discover now