Kumuha nalang ako ng iba.

Naramdaman kong pinulot niya yung nahulog na eraser. Pero imbis sa ibalik niya yun sa lalagyan eh ginamit niya pa yun para burahin yung nakasulat sa board kaya di ko napigilang magtaka.

Napansin niya ata kaya tumingin din siya sakin.

“Hindi mo pa ba e-erase yan?”

“H-Ha? A-Ah oo.”

Baliw kaba Jelle? Umayos ka nga. Nagsimula na ulit akong e-erase yung mga natitirang nakasulat.

“On duty ka rin pala.” rin? Pati siya?

“H-Ha? Ah oo.” Tapos yumuko nako. >/////< Di ko alam onduty rin siya. Buti nalang ako rin. Hehe.

“Ah ganun ba. ”

Pansin ko lang, ano bang nakakatawa?

 Kanina si Steven ngayon naman si JM. Yung totoo, clown bako? -.-

“Uhmm, sorry. Natatawa lang talaga kasi ako.”

EH? Bakit naman?

Mukhang nabasa niya ata kung ano yung nasaisip ko, “Inulit mo lang kasi yung sinabi mo kanina.” Pagkasabi niyang yun, natawa na talaga siya.

“H-Ha? Ah oo..este...uhm ano kasi..” Ugh! Nanginginig boses ko. >.<

“No. It’s okay.” Sabi niya habang natatawa parin.

 

 

♫  I wont give up, on us  ♫  Even if the sky gets rough

Given you all my love ♫ 

Napatingin naman kami dun sa cellphone niya. May tumatawag ata.

“Hello?”

“Oh Steph, bakit?” Si Steph pala.

Parang sumikip bigla yung dibdib ko.

Hikab Story ♥Where stories live. Discover now