Chapter 2

4.8K 85 1
                                    

"Black jack! Hubad!" umpisa pa lang ng laro talo nako. Expert kaya to sa Black jack.

"Fine!" inalis ko ang tali ng buhok ko. Consider suot naman to dahil accessory to sa buhok, so technically, hindi pa rin pandadaya yun.

Kanina gusto ko ng umurong ng sabihin nyang maghuhubad ang talo. Sino ba naman ang nasa tamang isip ang gagawa nun lalo na't wala naman kaming relasyon. Pero syempre dahil wala kami sa tamang pag iisip ngayon kaya kahit ako napapayag nya. Hindi na nga ata umaandar ang utak ko dahil sa alak.

"What?! Yun na yun?! Show me what you got, baby!" nakataas pa ang dalawang kamay habang sinasabi nya yon. Pinandilatan ko nalang sya ng mga mata kaya nagbigay na ulit sya ng baraha pero hindi na naalis ang nakakalokong ngisi nya.

Damn this boy! Bakit ba parang ibang tao ang tingin ko sa kanya ngayon? Parang yun tingin ko sa mga lalakeng gusto ko. Yung nakikita kung gaano kabagay sa kanya ang ngisi nya. Parang nakakadagdag ng character sa kanya ito. Kung pano mag-flex ang mga biceps at triceps nya kada galaw nya sa mga baraha. Kung paano katigas tingnan ang exposed nyang dibdib na hindi ko man lang napansin kanina. At ang abs nya na siguradong makakapaglaway kung tititigan.

Napayuko ako ng ulo at nakagat ang ibaba kong labi sa mga naiisip ko. Hindi ko rin napigilan na hindi uminit ang mga pisngi ko. Epekto lang siguro to ng alak. For so many years na pagkakakilala namin ni Zuriel, ngayon ko lang napansin ang mga bagay na to.

Napaangat ang mukha ko ng maramdaman kong hawakan nya ang buhok ko at iipit ito sa may tenga ko.

"You're blushing." pabulong na sambit nya at hinahaplos ng hinlalaki nya ang pisngi ko.

"Tch! Di no. Nakainom lang ako." pabulong ko ring sabi sa kanya at napakagat ulit ako sa ibabang labi ko.

"Uuhhh mmmm..." bumuntong hininga muna sya at pumikit bago bumalik ulit sa pwesto nya at tingnan ang baraha nya.

C-in-ompose ko muna ang sarili ko at tiningnan din ang baraha ko. Ace of hearts and five of spade. I think kailangan ko pa ng 15 para maka 21 at manalo.

"Draw." binigyan nya ko ng isa pang card at nakangisi na naman sya. Dahan dahan ko tong tiningnan at queen of hearts and lumabas. Napangisi nalang ako dahil isang 5 nalang at mananalo nako.

"Draw." binigyan nya ulit ako ng isa pa at laking tuwa ko ng makakuha ako ng five of diamond.

"21!" pasigaw na pinakita ko ang mga cards ko at tinaas pa ang mga kamay.

Lalong lumawak ang ngisi nya at binaliktad ang mga baraha nya.

"Black jack." pabulong na wika nya at pinagkiskis pa ang mga palad. "Hubad."

"No! Dinadaya mo ko eh. That's imposible! Paanong nangyari na naka black jack ka in two consecutive game?!" hysterical na sabi ko sa kanya.

"I want your top. Now!" mariin na sabi nya sa seryosong tono pero masisilayan sa mga mata nya na naaliw sya sa nangyayari.

"No." sobrang iling ko para iparating sa kanya na di ako talaga payag.

"Tch! We can do this the easy way..." mataimtim nya kong tinitigan at bigla akong ninerbyos. Although may epekto na ng alak ang sistema ko, ang utak ko ay bigla namang naging alerto lalo na sa kaalaman na maghuhubad ako sa harap ni Zuriel.

"...or the hard way." kumunot na ang noo nya kaya napalunot nalang ako at napatuwid ng upo. Seryoso ba talaga sya? Usapang lasing lang naman to ah. And besides, lamang pa nga ako kung tutuusin dahil nakahubad na ang pang itaas nya.

"Wala namang ganyanan. Nagbibiruan lang naman tayo ah." lakas loob kong sabi sa kanya.

"Mukha ba kong nagbibiro?" hindi nga sya mukhang nagbibiro dahil kahit mga mata nya ay seryoso ng nakatingin sakin.

Napalunok pako ng ilang beses bago ko nanginginig na hinawakan ang laylayan ng tank top ko. Nakita kong sinusundan ng tingin nya ang bawat akyat ng mga kamay ko kasama ang sando ko.

Hindi iisang beses na nakita ko syang napalunok. Kaya pati tuloy ako ay sunud sunod ang naging paglunok.

Ng maalis ko na ang pang itaas ko, bumuga muna ako ng hangin bago tumingin sa kanya. Nakita ko na umiwas sya ng tingin at may ngiting sumilay sa mga labi nya bago kinagat ang pang ibabang labi.

Sa mukha kasi nya parang niloloko lang nya ko. Feeling ko tuloy isa akong utu-uto na kahit anong pagawa nya ay gagawin ko. Pero atleast masisisi ko ang alak pag nasa huwisyo na ko.

"Bwiset ka!" naibato ko sa kanya ng di oras ang damit ko dahil bigla nalang syang humalakhak ng malakas. Wrong move. Wala nakong pantatakip ng katawan ko dahil sinalo nya ang damit ko at inamoy amoy pa to lalo na sa may bandang kilikili.

"Bango dito." sabi nya pagkatapos singhutin ang harapan nito. "Dito mabaho." sabi nya pagkatapos namang amuyin ang may bandang kilikili.

"Langya ka talaga." matitikman mo ang higanti ko. Niliyad ko pa ang dibdib ko na automatic na dinapuan ng mga mata nya.

Kahit na pulang pula na ko, hindi ko pa rin tinakpan ang katawan ko lalo na ng makita ko ang sunud sunod na paglunok nya at may butil butil na pawis din na namumuo sa noo nya. Baghagya rin nyang kinagat ang ibabang labi nya bago inangat ang mata nya sa mukha ko.

Saglit na namilog ang mga mata nya dahil nakita nya na nahuli ko syang pinagnanasaan ang katawan ko.

"Eherm... Next game?" binalasa na nya ang mga baraha at sinimulan ng bigyan kami ng tig dalawang baraha.

Yumuko ako ng konti at inipit ng konti ang dibdib ko bago kinuha ang mga baraha ko. Two can play this game. And let the game begins.

The Kissing Game Series 5 - Strip PokiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon