CHAPTER 37.5- I won't give up. (part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Muntik na akong magkasala." -Tommy

"Ako rin, muntik na akong magkasala kay Katie." -Third

"Ako rin magkakasala kay witch." -Steve na sinasabi nga yan pero kabukod tangi namang nakaharap at nakatitig dun sa maid -_-

"Magkakasala daw, pero nakatingin naman sya." -Third

"Eh ikaw, magkakasala daw kay Katie eh talaga namang may sala ka na kay Katie." -Steve

"Anung sabi m--" kkwelyuhan na sana ni Third si Steve pero natigilan kami nung biglang may pumasok na mga bodyguards dun sa kwarto ko

"Anung nangyayari dito?!" sabi nung isang bodyguard

Hindi ko alam ang sasabihin, pero bigla na lang akong hinawakan ni Tommy sa braso.

"Nahuli namin sya, tinali nya yung maid at balak nyang magpanggap bilang maid dito at tumakas." -Tommy

"Anu bang sinasab--" iimik pa sana si Bryle pero pinigilan sya ni Third at may binulong rito

"Kalagan niyo na yung tali nung maid at ialis nyo na sya dito. Aalis na kami para ireport ang nangyaring ito." -Tommy

Nagsipuntahan naman yung tatlong bodyguards palapit dun sa maid, tapos nung tumapat sa akin si Bryle pasimpleng may inabot sya sa akin, isang cellphone. 

"Babalik kami, iaalis ka namin dito, maghintay ka lang." bulong nya at tuluyan na silang umalis apat

Gusto kong sumama pero mapapahamak lang sila Bryle pag nagkataon, what I need now is to trust them. Tiwala lang Nash, hindi ka pababayaan ni Bryle.

Pagkatapos alisin nung mga bodyguards yung maid, naka lock na naman ako sa kwartong to, hays. Siguradong mas hihigpitan pa nila ang pagbabantay sa akin nito. Mas mahihirapan na sila Bryle nito. Hays.

Biglang nag vibrate yung cellphone na binigay sakin ni Bryle kanina. May txt message dun. Cellphone ni Bryle to at ang nag register ay text mula sa cellphone ni Tommy.

"Babalikan ka namin. Maglilibot lang kami dito sa mansion para malaman ang mga posibleng labasan dito. Paplanuhin pa namin kung paano ka ilalabas dito, pero wag kang mag alala, ilalabas ka namin. Not tonight, maybe tomorrow night. Medyo in alarm state pa kasi ang mga tao dito. Pero babalikan ka talaga namin Nami! Gusto na kitang dalhin palabas pero alam kong hindi pa pwede, sabi nga ni Tommy, mapapahamak lang kami kung walang sapat na plano. Kaya Nami, hintayin mo ko huh? Wag kang magmamahal ng iba bigla na gago ka! Kung hindi kakaladkarin talaga kita tapos pipilitin kitang mahalin ako. Hindi ako nagbibiro, sinasabi ko sayo."

Yan ang nakalagay dun sa txt. Mukhang kay Bryle galing, sweet na nagbabanta eh. Kahit na medyo nadisappoint ako dahil pinutol ko na nga yung buhok ko at lahat hindi parin ako nakatakas dito kasama sila, masaya narin ako kasi kahit saglit lang nakita at nayakap ko si Bryle. At least ngayon may pag asa na ako. Magtitiwala na lang ako sa kanila. Makakatakas din talaga ako dito. Excited na akong dumating ang bukas.

Hihiga na sana ako sa kama para matulog na ng mag vibrate ulit yung phone.

"Nakalimutan kong sabihin kanina, mahal na mahal kita Nami. Hoy bobong babae magreply ka huh! May load yan! Pag hindi ka nagreply babalik ako dyan at kakaladkarin na talaga kita!"  napangiti naman ako ng mabasa ko yan

"Mahal na mahal din kita. Maghihintay ako sayo kahit gano katagal, pero bilisan mo huh gagong lalaki." yan naman ang nireply ko sa kanya

Iisipin ko na lang na para lang akong nasa condo sa Tagaytay ngayon. Yun na lang ang iisipin ko. At bukas, bukas susunduin na ako ni Bryle at makakasama ko na ulit sya. Makakasama ko na ulit sya kaya dapat magtiwala lang ako. Hinding hindi rin ako bibitaw.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon