"panung di iinit ang dugo ko sa iyo eh nasa ilalim tayo ng araw!!!" sabi ko, tapos hinawakan ko na si Nayette sa braso. "tara na teh! umalis na tayo dito at baka ikulong pa tayong dalawa niyan sa pokeball niya!"

eh ang kasu, nagpupumigil si Nayette. =___=

iyong totoo? lumalandi? nahawa na sa akin? birds with the same pink feathers, fly together???

pero hinila ko na siya! pero hindi na sumunod sa amin si Clarence. Nakatingin lang siya sa amin.

TUMAMBAY muna kami ni Nayette sa Field, naglatag kami ng kumot at inilbas ang basket at nagpicnic kami.

syempre biro lang yun no? ano? Luneta sa loob ng school?

Nakaupo lang kami gigilid.

Pinag-uusapan namin ni Nayette kung paano ako makakaligtas sa pagkakabagsak sa Chemistry na iyan.

Sabi ko kay Nayette i-review niya ako, eh ang kasu--- hindi ko rin alam talaga ang sagot, kahit siya nalilito siya sa mga tinatanong niya sa akin. Pero sabi niya, okay lang daw siya kasi makakakopya siya doon kay Jimmy Neutron na may malaking ulo. Hindi niya naman maibibigay sa akin ang sagot kasi nga, mauuna akong mag-exam kesa sa kaniya.

Kaya lalong lumalalim ang aking problema.

Sandali kong nakalimutan si Trevor at si----

BORG!!

tanga ko talaga!

bakit nga ba hindi ko naisip si Borg.

Naalala ko kung paano niya sinagutan ang assignment niya ng walang kahirap hirap.

Sa tingin ko matutulungan niya ako ng buong husay.

Hmmmhehehhe...

Tama! gagamitin ko ang talino ni Borg para makapasa!!

gagamitin ko si Borg!!

WAHAHAHAHHAHHA!

"hoy neng? nabaliw kana? bigla ka nalang tumawa diyan? ano? tatawanan mo nalang ang darating na Prelim?" <---nayette.

Napatingin ako sa kaniya. Matalim, may malalim na binabalak na masama.

"Hoy, neng! grabe ka naman makatingin, alam kong nakakadepress ang isipin kung paano mo malalampasan yang exam na iyan no, pero hindi mo kailangan sindakin ako sa ganyang titig mo, dahil alam mo rin na hindi talaga kita matutulungan no!"

Tama si Nayette.

Kinuha ko ang phone ko.

Kailangan kong tawagan si Borg..

ay text lang pala, wala akong pantawag, itetext ko siya para tawagan niya ako.

"Hoy neng? ano na? hindi kana nagsalita. alam mo neng, ano kaya--- kungyare magkasakit ka? o ano kaya naaksidente ka, para makalusot ka sa problemang exam nayan." patuloy parin si Nayette.

napatingin ako sa kaniya, Oo nga no? pwede iyon! pero kasi nagkasakit na ako kunyare eh! baka sabihin ni Sir, lagi lagi ako nagkakasakit, pag-naaksidente naman ako kunyare, dapat may maipakita akong pilay sa katawan no, ano? sasaktan ko sarili ko? Hindi pa ako ganun kabaliw no.

"Basta teh! may naisip na akong paraan!" Sabi ko na may ngiti sa labi.

"wow, ano naman kaya iyang naisip mo? makikinabang ba ako sa iniisip mong yan???" sabi ni nayette.

nagpouty lips ako at tinaas ang kaliwang kilay.

"naman teh!"

"ay gusto ko yan neng!"

Halimaw Sa Punong BaleteWhere stories live. Discover now