Hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa perpektong katawan na nakabilad sa harapan ko, unti unting bumaba ang mga mata ko at bago pa marating ng mata ko ang nasa pagitan ng kanyang mga hita ay tumalikod na sya, at tumambad sa paningin ko ang kanyang malapad na likuran kung saan nakaguhit ang mukha ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Papanong nakapagpatatto sya ng mukha ko eh ngayon pa lang naman kami nagkita. at sa hitsura ng tatto parang napakatagal na panahon na yun na naandon.

"Oh my god....." Naluluhang sambit ni mommy.

"mom....anong ibig sabihin nito bakit nakatatto sa likod nya ang mukha ko.?"

Hindi sumagot si mommy, sa halip ay dinala nya ako sa bahagi ng sala kung saan may malaking salamin, pinatalikod nya ako doon.

"look at your back baby." sabi ni mom.

lumingon nga ako sa sa salamin para makita ang likuran ko.

At halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang isang itim na lobo na nakatatoo rin sa likuran ko.

"Ang lobo yan ni Harris di ba.?"

"yes it is."

"papanong nagkaroon ako nyan, wala naman yan kanina ng maligo ako ah." nagugulohang tanong ko.

"mula ng ipanganak ka ay nariyan na yan Evaness, itinago ko lamang sa pamamagitan ng magic spell, kaya ng makita ko si Harriss na nagshift 8 years ago, alam ko ng sya ang itinakda para sayo."

"at itinago nyo sya sa akin." galit na sabi ni Harris.

Ng lingonin ko ito ay naka suot na ito ng shorts kaya nakahinga na ako ng maluwag.

pero nagulat ako ng bigla nyang isuot sa akin ang hawak hawak nyang t-shirt nya.

Matatanong sana ako ng bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok sina Paulo at Jake. Isang malakas na ungol ang pinakawalan ni Harris sabay yakap sa akin para itago ang hubad kong katawan.

"Shit.! Sorry Alpah." Magkasabay na sabi ng dalawa at magkasabay din itong tumalikod.

Mabilis na isinuot sa akin ni Harris ang T-Shirt nya at inayos iyon.

"thank you." sabi ko.

Hinalikan ako nito sa noo na sanhi para kumabog na naman ng husto ang dibdib ko.

"Anong kailangan nyo.?" Matapang na tanong nito sa dalawa.

"Alpha, Luna, Queen Nessa. " pagbibigay galang ng mga ito sa amin.

"Alpha naririto kami para ipaalam sayo na naglipanan ang mga Purebred, at hybrid, Vampire and wolf sa paligid, naamoy na nila ang Mahal na Luna."

" Shit! "Biglang dumilim ang mukha ni Harris.

" Queen Nessa do something, ipasailalim mo uli si Evaness sa spell mo itago mo syang muli mula sa pangamoy ng mga gustong makakuha sa kanya."

"I'm sorry alpha king pero hindi ko na kayang gawin yun. Ng markahan mo sya ay unti unti ng naghalo ang amoy nyong dalawa, pwede kong itago ang amoy ni Evaness pero hindi ang amoy mo. May malakas ang kapangyarihan mo kaysa sa amin alam mo yan, kaya hindi gagana sayo ang magic spell ko."

"Then i have no choice but to keep an eye on her." Tiningnan ako ni Harris, bigla na namang kumabog ang dibdib ko.

"Tama yun ang mabuti mong gawin, ipinagkakatiwala ko na sayo ang anak ko."

"Wait ano na naman ba ang pinaguusapan nyo.?" Singit ko sa usapan nila.

"Anak, ikaw ang pinakamahalagang super naturals ngayon, ang dugong nanalaytay sayo ngayon ay ang pinaghalong dugo ng dalawang pinakamakapanyarihang supernatural sa mundo ang dugo ng Vampire king at witch Queen at kami yun ng daddy mo."

"So.?" Tanong ko.

"Marami ang gustong makakuha sayo, kasi ang sinumang super natural na makakaisang katawan mo at mamarkahan mo ay magkakaroon ng pinakamalakas na kapangyarihan na hihigitan kahit ang kapangyarihan ng Alpha king." Paliwanag ni mommy.

Napatingin naman ako kay Harris.

"Pero minarkahan mo na ako ibig sabihin sayo na ako." Sabi ko sa kanya.

"Hindi pa rin kasi hindi pa napagiisa ang mga katawan nyo, at hindi mo pa sya minamarkahan." Si mommy.

"Eh di kakagatin ko na rin sya sa leeg para wala ng maghabol pa sa akin."

"Evaness anak hindi yun ganun kasimple." Tila hindi na naging komportable si mommy sa tinatakbo ng usapan namin.

"And why is that.?" Ako.

"Eh kasi, pano ko ba to ipaliliwanag sayo, asan na ba kasi ang daddy mo, sya dapat nagpapaliwanag sayo nito kasi tungkol to sa pagiging bampira mo." Napakamot na si mommy sa ulo.

"Okey ako ng magpapaliwanag." Si Harris.

"Eve....youre a royal blood vampire iba ang pamamaraan nyo ng pagmamarka kaysa sa aming mga lobo. You can only mark youre mate during the peak of youre mating process."

"Ano yun wala akong maintindihan.?" Ako.

Napabuntong hininga si Harris.

"Okey lets make it simple, but first, you two out and block youre ears." Utos nya sa dalawang lalaki na mabilis namang sumunod sa sinabi ni Harris.

Ng masiguro niya na nakalabas na ang dalawa ay tiningnan nya naman si mommy.

"Kayo rin Queen Nessa, baka gusto mo ring lumabas."

"No way, mahirap na baka sa halip na sabihin mo ay idemo mo ang ibig mong sabihin, hindi mo pa pweding pakialaman yang anak ko." Pagtataray ni mommy.

Ang labo talaga nila magusap nakakainis.

"Okey Eve this is the simpliest explanation.... You can only mark me when youre on the peak of youre orgasm while were having sex."






THE POSSESSIVE KINGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang