Tumahimik ang lahat.

Andito ngayon si luke lang at kaming dalawa ni julia.

Kung hinahanap niyo si Gino...

Wala siya dito.

Gago talaga yun. 

"Luke. Kwento mo nga ang nangyari" 

Tulala parin si luke. 

Siya kasi ang nagligtas kay Michaela.

Masyado siyang nag-aalala at nakikita ko yun sa kanya. 

"Simula nung boracay trip natin, Nag-iba ang aura ni Michaela. Hindi na siya masiyahin, Hindi kumakain, Laging tulala at nagkukulong sa bahay namin" 

Nalaman kong nakitira si Michaela sa bahay nila Luke.

Umiiyak parin si Julia habang nakikinig kami sa kwento ni Luke.

"Kanina, Ay halos iluwa niya lahat ng kinakain niya. Pinilit ko kasi siyang kumain dahil kulang na lang ay kumalas na ang mga buto niya. So i told her that if she is already done, Aalis kami at pupunta ng park. Nahihiligan niya na kasi magpunta sa park sa amin." 

"P-p-paano siya na-aksidente?" Sabi ni Julia.

"We saw gino with his family. Tumakbo si Mikay and then hinabol ko siya... but it was too late." 

Humagulgol lalo si Julia.

Nasasaktan kaming lahat dahil kaibigan namin si Mikay.

Lalo na si Julia dahil tinuring niya na talagang kapatid si Michaela.

"ASAN SI MICHAELA?!" May sumigaw sa bandang dulo ng emergency room.

Si gago pala.

Tumakbo siya sa amin at hindi maipinta ang mukha. 

"PUT*NGINA?! MAY LAKAS KA PA TALAGA NG LOOB NA PUMUNTA DITO?! GAGO KA TALAGA!" 

Undercover Princess (Underconstruction)Where stories live. Discover now