CHAPTER 1

67 3 0
                                    

CHAPTER 1

“Get out.”

“naiwan ko lang po.”

“Get out!”

Hindi ko makakalimutan ang unang engkwentro naming dalawa ni Sir Leo. Pinalabas nya ko dahil lang naiwan ko yung Filipino book ko.

“Hindi ka lalabas JUAN?!” pagalit na tanong ng guro.

Nang mga oras na yun, pinaghalong hiya, galit at kagustuhang makapaghiganti ang naramdaman ko. Pero nangibabaw ang hiya. Masama ang loob kong lumabas ng room.

First day of classes, bagong bag, sapatos, uniform, at notebook ng latest anime trend. Pumasok ako ng school, namamag-asang magiging seat mates ko ung mga crush ko. At lumabas ako ng room namamag-asang di nakita o narinig ng crush ko ang lahat ng yun.

Lumipas ang mga araw na parang wala lang kay sir Leo ang lahat ng yun. Pero ako na nabiktima, di naman pwedeng ganun-ganun na lang yun.

Umisip ako ng paraan para makabawi, ng may karangalan.

“Ok class, our topic for today is about honesty.” Entrada ni sir.

Ayos nakakita ko ng pagkakataon. Sabay taas ng kamay.

“Sir masama po ba ang white lies???”

Yun lang ang naisip kong paraan para makaganti ng hindi nagiging kontrabida. Dahil sa matalino siya at magaling na teacher, sabi ko sa isip ko “I’ll give you a taste of your own medicine.” Pero matalino nga cya e, what do you expect?

“Juan, pag ba nagnakaw ka ng 10 piso masasabi mo bang hindi ka nagnakaw? Ang ikukulong lang ba ng pulis ay yung taong  nakapatay ng madami at hindi yung iisa ang napatay? Kung pagsasamahin mo lahat ng white lies na yun, isang malaking lie din yun.”

Palpak ang plano. Pero di ko matatanggap ang pagkatalo. Dahil values teacher siya…

Out of the blue…

“E sir masama ba ang mag-masturbate?”

(Siguro naman di nya agad masasagot to. Pag di siya agad sumagot o pinalabas ako, ako ang panalo.)

Within 3 seconds…

“Hindi ba tinuro sa Health subject nyo? Part lang yan ng hygiene ng tao. Ang isang act ay nagiging masama depende sa pag-iisip ng taong gumagawa. Kung ginawa mo yun at may iba at malaswa kang iniisip, malamang masama yun.”

(Lusot na naman ang mokong.)

So that ends our class.

Ayos ha, naubos oras kakatanong ko. Naubos naman tanong ko kasasagot nya. Lalo ko lang dinikdik sarili ko sa pagkatalo.

LEO – 2 pts.                             JUAN – 0

“Ang baho!” sigaw ng isang classmate sa gitna ng klase.

“Loko Patrick ikaw umutot noh?!”

“DI NOH BAKA IKAW!”

Habang nagtatalo ang dalawang magkaklase, di nila namalayan ang paglapit ng magiting na guro.

Both of you, get out!

Nang mga oras na yun, naisip ko sa sarili ko na ganun lang talaga siguro siya… sa lahat. Bugnutin at iritable.

Isang bagay na kelanman ay di maiintindihan ng tipikal na hayskul student ay ang mala-spider sense na radar ng mga teachers pagdating sa ingay.

Naisip mo ng bumulong para lang itanung yung part ng discussion na di mo narinig, masisita ka na sabay sabi “Would you mind sharing your topic with the class?”

Pag sumagot ka ng “wala po mam/sir” ipapahiya ka pa din at minsan panglilisikan pa ng mata.

Pag naman sinabi mo ang totoong dahilan (karamihan sa mga estudyante eto ang ggawin dahil sa palagay nila wala naman silang masamang ginawa), lalabas na nagsisinungaling ka at gumagawa ng dahilan.

Minsan naiisip ko, di talaga patas ang mundo. Pero pag dumating ang panahon ko, humanda kayo…

“May tumae sa CR!!!” sigaw ng isang usiserong estudyante.

“E ANO NAMAN? LAGI NAMAN NANGYAYARI YAN”

“Yung tae nasa brief pa! Naiwan brief sa sahig nandun pa tae!”

Nagtakbuhan lahat ang mga estudyante palapit sa gitna ng mabahong komosyon. Lahat nandidiri pero walang nagpapatinag. Lahat Pilipino: Likas na usisero.

Ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay may anunsyo na sa paging system.

“ MAY WE REQUEST ALL STUDENTS TO PLEASE RETURN TO YOUR RESPECTIVE CLASSROOMS. GUARD, KINDLY LOCK THE GATE. ”

Dismissal time…

Sa pamumuno ni Sir Russel, ang batikang Physics teacher, isa-isang ininspect ang mga batang lalake bago sila pinayagang lumabas ng gate. Ang kailangan lang gawin ng mga bata ay itaas ang garter ng kanilang brief para patunayang di sila ang nang-iwan ng brief na may bomba sa banyo.

Makalipas ang 30 minutes, matapos mainspect ang lahat ng batang lalake…

Dalawang bata ang naiwan dahil wala silang suot na brief.

Isang brief lang ang nasa banyo.

The Chosen JuanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ