The Chosen Juan

151 6 1
                                    

PROLOGUE

Katatapos ng haircut inspection.

Si Bernard, isa sa mga nakutab, ay hindi mapakaling palakad lakad sa classroom. Palibhasa’y candidate for valedictorian, bihira siyang makutaban at kadalasa’y pormal na may sangi ang gupit na kanyang nakasanayan.

Nang kanyang mapansin ang pagkabalisa ni Bernard, lumapit si Juan at lakas loob na sinabi “akin na Bernard ayusin ko kutab mo. Gumugupit talaga ko sa baryo namin.”

Tamang dudang sumagot si Bernard “hindi nga?? Baka mamaya paglaruan mo lang buhok ko..?”

Sabay talikod ni Juan at pasimpleng bumulong “kaw na nga tinutulungan maarte ka pa. edi wag.”

“O sige na nga, basta pakipantay mo na lang ha.”

Nakangiting bumalik si Juan na agad ng may hawak na gunting.

“Halika… dito tayo sa bandang likod para di tayo matabig ng mga dumadaan na classmates. Wala ko salamin kaya di mo makikita agad, pero di na kailangan papantayin ko lang naman diba.”

Dahil long back, nasa likod, sa may bandang kaliwa ang kutab ni Bernard. Halos three inches ang haba ng kutab na halos katapat na ng tenga.

Mabilis ang tunog ng gunting, at kada gupit ay pasuklay-suklay pa si Juan sa parting ginupitan.

“aba parang expert ah.”

“SHHHHHH. Wag kang maingay di ako makaconcentrate” pagalit na sagot ni Juan.

Gaya ng napagusapan, hinabol lang ni Juan ang kutab. Pero lumagpas siya ng kaunti sa may bandang kanan. Bumalik siya ka bandang kaliwa para pantayin ulit.

Matapos nag 30 minutes…

Pawisang nagpaalam si Juan at dumiretso ng umuwi.

“Sinong may salamin?” balisang tanong ni Bernard sa mga naiwang classmates.

Kadalasa’y 5:00 PM pa lamang ay nasa bahay na si Bernard. Pero nung araw na yun ay inabot siya ng 6:00 PM.

“Bat ngayon ka lang?” tanong ng kanyang mama.

“dumaan muna ko sa barbero.”

Kinabukasan…

Semi-kalbo na si Bernard.

Umabsent naman si Juan.

The Chosen JuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon