Three

3 1 0
                                    

"Ano?! Wala pala kayo! Sa susunod kikilalanin niyo ang babangain niyo!"

Sabi ko sa kanila  kumaripas naman ng takbo ang tatlong tokmol .

"Ang galing mo naman!" Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita.Kumunot naman ang noo ko.

"Ano pa ang ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko umuwi ka ba Miss."

Umiling lang siya tapos ngumiti siya sa akin ng malapad na ikinasalubong naman kilay ko.

"Ano ang pangalan mo?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo? Umuwi ka na baka hinahanap ka sa inyo"
Masungit kong sabi sa kanya at tinalikuran na siya.

Habang naglalakad ako naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin.Paglingon ko nakasunod sa akin yung babae kanina.

"Sinusundan mo ba ako?!"
Singhal ko sa'kanya na ikinagulat nito.

"Uhm…oo?!"
Painosenti niyang sagot.Uminit naman ang ulo ko sa sinagot niya.Magkasalubong ang kilay ko ngayon sa sobrang inis sa babaeng ito.

"Alam mo hindi pa ako nakapapanakit ng babae.Pero kapag  hindi mo ako tinigilan , tataman ka sa akin!"

Sabi ko sabay tinalikuran siya at nagsimula ng maglakad.Naramdaman ko naman na sumusunod siya sa akin.

"Hindi ka ba-…huh ? asan na  yun? Tsk! Makauwi na nga." napailing na lang ako.Pagharap ko …

"BOO!"

"Ahhhhhhh What the h-…
Ikaw na naman! Aisst.Ano bang problema mo?! "
Sa sobrang gulat ko nawalan ako ng balansi at napaupo sa kalsada.

"Hahaha  you should have seen your face! Pfft… epic!"

"Aba't may gana ka pang pagtawanan ako!"

"Haha ang pula pula kasi ng mukha mo. haha. natakot ka no ?"

"Shut the f*ck up! Humanda ka sakin" sabi ko sabay tayo. Siya naman nagsimula ng tumakbo.

Kaya ito hinabol ko siya . Ang bilis niyang tumakbo kaya nawala na siya sa paningin ko.
Hingal na hingal ako ng tumigil ako sa paghabol sa'kanya. Nakatukod ang dalawa kong kamay sa tuhod ko sa sobrang hingal sa pagtakbo.Nagpalinga linga ako sa paligid napansin kong nasa parke na ako.

"Asan na  yun? Tsss.
Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng oras ang baliw na yun" sabi ko at napailing iling.
Akmang aalis na ako ng makarinig ako ng sutsut.

"Psssst!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time's up (The Unfinished Business)Where stories live. Discover now