25:WHAT?!

1K 41 4
                                    

Natatandaan niya pa ang huling pag uusap nila kagabi ng lalaki.
Sinermunan muna siya nito bago siya naka akyat.

"Nananadya kaba talaga?
Bakit ngayon ka lang?ayoko ng maulit ito Josa.
Do I make myself clear?"

"E ikaw nga e!"
Natuptop niya ang kanyang bibig.Huli na ng mapigilan niya ang kanyang sinabi.Siguro'y dahil sa naka inom na rin siya.

"What do you mean by that? Starting to talk back to me?You Woman!dont ever interfere in my life.
Sabit ka lang dito 'wag mong kakalimutan."

"Paano ako?paano naman ang reputasyon ko?Hindi pwedeng porke may pera ka at ako ay wala,may karapatan ka nang tapaktapakan ako.At kahit na gan..."

Sa pagkabigla niya ay hinila siya nito sa kwelyo ng suot niyang polo shirt at bigla siyang kinuyumos ng nagbabagang halik sa labi.
Pilit niyang inilalayo ang sarili rito ngunit para siyang nakikipagtagisan sa matigas na kalamnan nito na ngayoy nakakapit sa baywang niya.
Kayat sinuntok suntok niya ito sa likuran ngunit parang balewala lang ito sa lalaki at patuloy parin sa paghalik sa kanya.
Ng magsawa ito ay inilayo siya ng ilang pulgada habang ang mga braso ay nakakapit sa kapwa braso niya

"Dont push my button or you will regret what' s going to happened  next."
Saka siya nito iniwang nakatulala.

Gusto niyang maglupasay sa sahig.Ni wala man lang siyang nagawa upang ipagtanggol ang sarili.Siguro nga'y dapat siyang matakot rito.Siya naman kasi kung bakit ba naman nakasagot sagot pa siya.

Kaya ngayon ay nag aatubili siyang bumaba.Iniisip niya kung naroon ba ang lalaki.
Ng makaramdam ng gutom ay bumaba na rin siya.Tama siya ng iniisip,naroon nga ito.
Wala siyang kibo habang dumudulog sa hapag.Nakita naman niyang hindi siya pansin nito.

"Bilisan mo diyan at aalis tayo."

Narinig niyang sabi nito.
At minabuti niyang huwag ng magtanong.

Nagulat siya sa kanilang pinuntahan.Kaya pala naman nagagalit ito sa kanya dahil tila naghahabol ngayon sila sa Pagpapa ayos nito sa kanya sa salon.Kaya pala naman bihis na bihis ito at guwapong
gwapo ang lalaki.Napansin niya kanina ang damit nitong nakasabit sa likod ng sasakyan kaninang umaga.Habang inaayusan siya ay nakaupo ito sa sofang malaki at nagpipindot ng laptop na dati na nitong ginagawa.
Nang matapos ay hindi nanaman niya nakilala ang kanyang sarili,dahil bukod sa pinaganda siya ay kinulayan pa ang kanyang buhok.Ash gray daw ito sabi sa kanya ng bading na trumabaho sa kanya.
bumagay sa kanya ang kulay lalo na at maputi siya.Ilang buwan narin siyang na e airconan sa bahay dahil full aircondition ito,magmula sa kitchen hanggang banyo yata? lumabas ang tunay niyang kulay.Binawasan din ang kanyang kilay at ang pakiramdam niya ay inoverhaul nanaman siya na parang sasakyan.

Pagkatapos ay dumaan nanaman sila sa isang boutique.Tulad ng inaasahan ay hindi man lamang ito nagsalita.Kusang nag galawan ang dalawang babaeng naroon at inilabas ang kanyang isusuot na tila pinaghandaan na ng mga ito,kasabay ng sapatos na kulay cream na may mga palamuting kung anong parang magagaspang sa pinaka dulo nito na tumerno naman sa peach na kulay ng kanyang dress.Hindi na siya nahirapan sa three inches heel na sapatos dahil pinag aralan na niya ito.

Pagkatapos siyang mabihisan ay lumabas narin siya sa malaking kurtinang nakatabing sa kanya.
Nakita niyang nag angat ng tingin ang lalaki at sandaling natigilan.

"Lets go!"
At pagkatapos ay narinig niyang sabi nito sa kanya,sabay tiklop ng laptop nito.

Nakarating din sila sa kanilang pupuntahan.Nagulat pa siya ng malamang Family reunion pala ito ng buong pamilya ni Charles na mga pininsan ng kanyang lolo Kentin.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon