2:NASA'YO NA ANG LAHAT

1.4K 60 7
                                    

"Oy Jojo!yan na naman ang chikas mong si Betty.Mukhang papunta nanaman dito.Hanneppp  sa dating tol!Baka naman puwedeng bigyan mo ko ng isa. "

"ULOL!Palagay mo diyan pusa?Walo na anak mo ni hindi mo na nga matustusan!Isa pa baka kalbuhin ako ni mareng lina no!magkasolian pa kami ng kandila."
Sabi niya ke Dado na na kasunod niya sa pila na kumpare rin niya.

''Hello babe!"

Sabi ni betty na papalapit sa kanya,suot ang napaka iksing palda na hapit na hapit sa katawan nito.Tinernuhan ng sphagetti strap na blouse na kulay puti.
Habang naglalakad ito papalapit sa kanya ay nakita niya ang mga mata ng driver na sinusundan ng tingin ang babae.Alam niyang kahit ganoon ang mga ito ay hindi siya tataluhin, dahil magaling siyang makisama.

"O diba sabi ko naman sayo, 'wag kang punta ng punta rito tapos naka ganyan kapa?alam mo namang ang daming manyakis dito.Hahanapan mo pako ng away?"
Kakamot kamot sa ulo na sabi niya rito.

"Alam mo naman babe na hindi kumpleto ang araw ko ng di kita nakikita.Isa pa ganintong oras ka alam kong lumalabas.Minsan kasi di kita matyempuhan sa pila."

Parang pusa itong pumulupot sa kanya.


" Dinalhan nga pala kita ng pagkain o"

Inabot sa kanya nito ang isang baunan na patong patong.

"Huuhhh!!! niloloko ka lang nyan!!!

Sigaw ng mga driver na nasa pila na kumakantyaw sa kanya.

"Mga ULOL!Inggit lang kayo!"

Sigaw naman niya sa mga ito.

"Oy babe baka may iba ka bukod sakin ah?baka niloloko mo nako nyan ha?!Tandaan mo hindi ako papayag na may iba pa!"

"Ano kaba?alam mo namang ikaw lang diba?"

Sabay kindat niya rito.
Hinalikan pa niya ito pa smack sa labi.

"O sige na babyahe pa ako!"
Hinampas niya ito sa pigi.
Nag flying kiss pa ang babae bago umalis.

Maganda si Betty makinis maputi at higit sa lahat ay balbon.Pipili ba sya ng pangit? Syempre hindi.Isa ito sa mga pang front nya sa ibang naiinggit sa kanya lalo na sa mga kalalakihan.Kasi'y natatapakan niya ang mga ego nito.


E sino ba naman ang papatol na babae sa panahon ngayon kung gutom lang ang aabutin sa lalaki?tapos wala pang diskarte?bukod sa maaaskad ang mga mukha,ang jojontot pa ng amoy.
D

i gaya nya'y pogi, matangkad maputi at higit sa lahat gwapo na madiskarte pa.
Alllllllllaaa ka ng hahanapin pang iba.

" Nasayo na ang lahatt.
minamahal kita pagkat♪..
nasayo na ang lahat pati ang puso ko oh oh oh oo♪♪♪..

Ika nga ni Daniel Padilla.

Nasa kanya na ang lahat ...pera ay di sapaaat♪♪

Tsk!tsk! Yun lang ata ang kulang sa kanya.Pero ayos lang basta nakakapag aral ang mga kapatid niya,e ang chicks niya kahit naman wala syang gaanong pera ok lang sa mga ito eh.

Ito ang takbo ng buhay niya araw araw, kayod kalabaw.Pero wala siyang pinagsisisihan dahil masaya naman siya.Siya yung taong may kakuntentuhan sa buhay bastat nakakaraos ay ayos na at walang sakit.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon