chapter 3- Time to get involve

11 0 0
                                    

Napagusapan na ni Dean at ng kanyang mama na hindi sila masyayong magkikita, may credit card na iniwan ang mama nya para dun nalang sya magwithdraw kung kinakailangan. Alam din nang mama nya hindi pabaya at hindi waldas sa pera ang kanyang anak. Pinagkakatiwalaan nya ito dahil hindi naman din ito maarte. Lalakeng lalake ito kumilos  kahit ang ekspresyon nang mukha nito ay binabago nya. Wala namang hilig ito sa paglabas labas kaya walang dapat ipag.alala ang kanyang mama. Sinabihan nya na ito na hindi sya palaging makakauwi kaya dapat maglinis sya at maglaba. Lahat nang mga kailangan nya ay nasa loob nang bahay pwera nalang sa groceries na sya na ang mamimili. Napansin kasi nang mama nya na hindi sya m,asyadong hiyang sa gulay dito sa korea, bumili sya nang ilang kilong beef at mejo marami raming chicken. Maraming prutas din ang binili nang mama nya para hindi magutom ang anak nyang mahilig sa karne pero hindi naman tumataba.

Habang papalapit ang araw nang kanyang pag pasok sa paaralan ay minsan syang lumabas nang bahay at naglibot sa village kung nasan ang bahay nila. May dala dala syang bola nang basketball, ito ang exercise nya. Ang paglalaro nang basketball mas madali kasing matutunan iyon para sa kanya. Hindi halata sa katawan nya na mahilig sya sa mga panlalakeng sports. Maputi si Queen at mahaba ang buhok nya inborn ang kulay nitong chesnut brown at wavey sa baba kaya pati ang papa nya ay nasasayangan na ipagupit ito. Tinatali nya ito nang maitago ito sa kanyang sumbrero.

Queen's pov

"May magandang court pala dito. Hindi naman kalayuan sa bahay. Magiging tambayan ko ata to. Hahaha..." Hindi naman talaga maganda. Luma na at may kalawang na ang mga upuan na gawa sa bakal isang ring nalang din ang nakatayo.

Nagsimula na syang maglaro. Nalilibang naman sya kahit wala syang ibang kasama. Pawis na pawis na sya at hindi namalayang gabi na pala. Patuloy lang sya sa paglalaro. May napansin syang sasakyan na dumaan itim ito at may kalakihan. Hindi nya pinansin at naupo muna saglit sa ilalim ng ring. Nagtaka sya nang bumalik yung kotse. Inayos nya naman agad ang mask nya at hood nya. Mayamaya pa ay lumapit ang isang grupo nang lalake sa kanya. Hindi sya makapagsalita.

"Hi. Ako nga pala si V. Gusto mo maglaro tayo?" Sabi nung parang nakakatakot ang boses.

"Ako si Namjoon ngayon lang namin nakita na may naglalaro dito." Sabi nung hindi kaputian pero ang tangkad.

"Gusto lang namin iconfirm na hindi multo ang nakita namin kaya kami bumalik. Ako si Suga" Nagsalita naman yung napakaputing lalake.

"Ako si Jin, yun si Jungkook, Jhope at Jimin." Sabi naman nung isa pang matangkad. Kawaykaway lang ang ginawa nila.

"Ako. Ahm... Dean. Dean Choi". Nagsmile silang lahat at yumuko sign nang pagbati.

"Sa susunod maglaro tayo mga tol. Pang walo si Dean. Hindi na tayo kulang." Sabi nung tinuro na si Jhope.

"Bye Dean. Alis na kami." Sabay nilang sabi.

Nakaalis na sila pero tulala parin ako. Nakabalik ako sa sarili ko nang biglang pumatak ang ulan. Dali dali naman akong tumakbo pauwi hindi na ako nakapag.isip nang maayos. Nagbihis na ako at nakatulog.

Hindi talaga maalis sa isip nya ang nangyari. Abangan ang susunod na kabanata.

HE's A SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon