Simula

26.4K 438 14
                                    

Masayang gawin ang bawal. Nakaka excite. Nakaka ramdam ako nang rush. Habang bawal, lalo kong nagugustuhan. Lalo akong nahuhumaling. Lalo kong ginugusto. Lalo kong pinagiigihan. Nangangati ako pag hindi ko ginawa ang isang bagay na alam kong bawal.

Ganoon naman iyon hindi ba? Masarap gawin ang bawal. And I guess that's my favorite motto in life. At 'yon ang ginagawa ko simula nang makaramdam ako nang kasiyahan habang ginagawa ang bawal na iyon.

Because I believed that bad decisions make good stories. And I love doing bad to make good stories.

Inubos ko ang nasa shot glass at mabilis na kinuha ang lime na nasa gitna nang lamesa. My friends shouted. Mas lalong nag booze and pakiramdam ko sa ingay namin at sa ingay nang buong bar.

"One more shot! One more shot!" Sigaw nila

Umiling ako at natawa na lang sa kanila bago lumayo sa kanila. The Palace Pool Club is very crowded na kahit ang malaki at malawak na pool sa gitna ay may mga tao. Sumasayaw sayaw ako habang nakikipagbatian sa ibang mga kakilala na andoon din. Kaway dito, kaway doon. Of course, I am a freaking famous model! Sinong hindi makakakilala sa'kin?

Umikot ako nang isang beses at naglakad papunta sa stage. Napalingon pa ako sa isang grupo na nagsigawan dahil may dalawang taong nahulog sa pool. Napa ngiti ako doon. They're soaking wet! Sino ba naman ang matinong tao ang papasok sa club na ito nang naka jeans at shirt?

Napailing ako at muling nagkipagsiksikan sa mga tao para makapunta sa unahan. When I got what I wanted ay mabilis kong itinas ang aking mga kamay at walang pakialam na nag sayaw doon. I even closed my eyes and let myself drowned in the loud music.

Ganoon ako nang ilang sandali bago ko naramdaman ang mga kamay na humaplos sa magkabila kong beywang. Ramdam ko 'yon because I am only wearing a white bustier midriff top and a white high waist short shorts. Hinayaan ko siyang sumayaw sa likod ko saka ako nag patuloy sa sarili kong sayaw.

"Glyrel!"

Napalingon ako sa tumawag nang pangalan ko. There, I saw Sasa, making her way towards me kahit na hihirapan siya dahil masikip at matao. Ngumiti ako sa lalaking kasayaw ko at sinalubong na si Sasa.

She's a co-model way back in states and a childhood friend in Regalla kaya naman magkasama kami since then. Nang bumalik ako nang Pilipinas ay bumalik na din siya at nagsama na kaming dalawa sa iisang condo unit.

"Hey! What are you doing here?" Takang tanong ko

Tumaas ang kilay niya, "I should be the one who'll ask you that. Bakit ka nandito?"

Tumawa ako, "Duh. This is club." Sagot ko

Tumawa din siya, "Sira. I thought kasi kasama ka niya."

Tumaas ang kilay kong tinitigan si Sasa. Naka harap na siya sa DJ sa unahan at paunti unti nang nagpapadaloy ng musika sa kanyang katawan.

"Hindi niya ako kasama." Sagot ko at nilingon na din ang DJ saka muling nagsayaw

"Kaya nga nagulat ako. Kasi naman, alam ko magkasama kayo. Ikaw pa ba? I know how head over heels ka doon sa lalaking 'yon." Aniya

Nilingon ko siya with a disgusted look, "Excuse me? Head over heels? Not over my sexy gorgeous body!"

Tumawa siya at hinampas ako sa balikat, "E ano ba kasi ang real score between you and that Montefero ba?"

Umirap ako sa kanya at nagsayaw na ulit. "Wala. Fubu."

"What?" Napatigil siya sa pagsasayaw, "But... He's getting married."

"So?" Tanong ko

"Anong so?" Kunot na kunot ang noo niya

Tumigil muli ako nang pagsasayaw at hinila siya papaalis doon. Pumasok muna kami sa loob para hindi masyadong maingay. I ordered two drinks for us at naupo.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Where stories live. Discover now