Kabanata 1

264 9 4
                                    

Kabanata 1

HALOS mahilo na si Quene sa pagtingin kay Aling Nora, ang landlady nila habang parang hinahabol na tinatakpan ang kurtina ng mga bintana sa sala ng paunapan nito. Halos mahiya siya sa suot nitong kulay asul na bestida, hindi umaabot sa tuhod at kasingkulay ng hinog na kamatis na labi. Hindi bumagay sa attire nito ang tsinelas na sapin sa paa.

Anim na buwan na ang nakalipas noong unang punta niya sa paupahan nito. Hindi na siya nakatiis sa huling boarding house niya sa dami ng nakawan na naganap. Araw-araw na lang, nawawala ang toothpaste at shampoo niya. Iyong bulaklaking bra at panty na may nakasulat na "I am sexy" hindi pinatawad. Bagong bili pa naman sana niya iyon.

Plano niya sanang gamitin ang two-piece sa darating nilang party kaya ang ending? Pumunta siyang naka-pajama. Pakialam niya sa iniisip nila? Ang mahalaga, makaligo siya sa swimming pool at maganda siya.

Manaka-naka na namang tumingin si Aling Nora sa labas.

Inayos nito ang salamin sa mata na animo inaaninag talaga ang nasa labas.

May kinakatakutan ba ang babae? Sino naman? Sa pagkakaalam niya, wala naman itong nakaaway.

Ibinaba ni Quene ang magazine na binabasa tungkol sa fashion. "Aling Nora? Anong ganap? Bakit hindi kayo mapakali?" tanong niya nang hindi na makapagpigil.

Inilagay ni Aling Nora ang ilang hibla ng buhok nito sa likod ng tenga at kumurap-kurap na humarap sa kanya.

Nag-eye shadow pa?

Aba't anong trip ng ginang?

"W-wala. Ayaw ko lang na mapuyat kayo."

"Mapuyat? Huwag ni'yo nang intindihin ang kagandahan ko Aling Nora. Marami akong pampaganda riyan."

Wala na siyang kaagaw sa sariling mga gamit, hindi katulad noon.

Pasimple na naman itong tumingin sa bintana.

Naku, naku. Kumakaringking pa rin ang lola.

Nasa sitenta anyos na ito at matagal ng namayapa ang asawa nito. May tatlo itong anak at sa malalaking kompanya sa Maynila nagtatrabaho.

"Anong tingin mo sa mukha ko? Kailangan ko pa bang mag-apply ng concealer o blush on?"

Wow. Dadaigin pa siya nito.

Hindi siya kumibo at hinayaan itong magpatuloy.

"E, b-baka nandiyan si Berting. Hindi pa ako handa," anito na tila nahihiya pa talaga.

At ang Berting na tinutukoy nito ay ang kapitbahay nila na nagtitinda pa rin ng balot.

This is getting interesting.

She loved men!

There was something about them that arose her curiosity. Isama na rin na napakadali ng mga itong paikutin niya sa kanyang mga palad. They were all willing victims as long as they could taste her which she didn't easily give. Napakaswerte ng mga ito. Siya lang ang may karapatang maglaro sa mga ito.

"Hindi ka pa handa sa?"

"Alam mo na. Iyong ganoon," sagot nito na namumula ang magkabilang pisngi.

"Anong ganoon?" giit niya.

Hindi siya manghuhula upang hulaan na lang ang lahat ng mga kilos nito.

Ngumuso ito saka animo may hinahalikan sa hangin.

Nanlaki ang mga mata ni Quene.

Lumelebel up si lola?

Nang maka-recover sa pagkagulat, "Bakit po kayo nahihiya? Parehas na kayong matanda." At kapag sinabing matanda, literal ang ibig niyang sabihin. Sa tantiya niya, seventy years old na ito pero huwag ka. May asim pa.

The Naughty Lady of San NicolasWhere stories live. Discover now