Chapter 13:

1.8K 52 0
                                    

HALOS NALIBOT na ni Juke ang bar na maaaring puntahan ni Honey. Ang mansyon ng mga ito maging ang ilang kaibigan ngunit hindi pa din niya makita ang dalaga.

"Dude, huminahon ka. Baka kung ano ang magawa mo sa babaing 'yun dahil d'yan sa galit mo." wika ni Yurih.

"Hindi sa pinapaboran ko ang ginawa ni Honey, pero mas mabuting malaman na ni Cassey ang katotohanan tungkol sa'yo. Pero tulad ng sinabi ko, may dagdag na ang kwento ng babaing 'yun para tuluyan kang masira." ani Tristan.

"Mag-isip na lang tayo ng paraan kung paano ka paniniwalaan ni Cassey. Kung pangungunahan ka ng galit, baka malimutan mo ang batang nasa tiyan ni Honey." sabi naman ni Ian.

Naisabunot ni Juke ang dalawang kamay sa sariling buhok. Paano n'ya muli makukuha ang tiwala ni Cassey? Kung dati ay wala siyang kinatatakutan, ngayon, ang mga sandaling iyon, ang nakapagbigay ng sobrang takot sa kanya. Ang isipin na may galit sa kanya ang babaing labis na minamahal.

"Juke, huwag kang mag-alala. Tutulungan ka naming magpaliwanag kay Cassey. Kahit na ano'ng paraan susubukan natin para maniwala siya sa'yo." wika ni Yurih. Naiintindihan niya ang nararamdaman ng kaibigan ng mga sandaling iyon. 'Yung tipong halos ikamatay na niya dahil iniwan siya ni Cloe. Wala na siyang ibang maisip pa, blangko ang utak. Tinapik-tapik na lang niya ang balikat ni Juke.

Ayaw gumana ng utak ni Juke. Masyado siyang nag-aalala. Paano kung hindi na siya mapatawad ni Cassey? Ano ang gagawin niya?

KINABUKASAN...

Tanghali na ngunit nakahiga pa din sa kama si Cassey. Hindi niya alam kung papasok ba sa opisina o hindi. Dahil sa natuklasan, parang wala na siyang mukhang maipapakita sa lahat. Isipin pa lang niya na may hidden back up pala siya sa kumpanyang pinalilingkuran, natatawa na siya. Pagtatawanan at pag-iisipan siya ng kung ano-ano ng mga empleyado ng kanilang kumpanya.

"Ahhhh! Ano ba ang naging kasalanan ko noong past life ko at nangyayari ito sa'kin?" himutok ng dalaga. Nagring na naman ang kanyang phone, si Juke ang caller. Simula pa kagabi, naka-200 missed call na siya mula sa binata at 50 text message.

Ilang minuto pang tinitigan ng dalaga ang phone na walang tigil sa pagtunog. Hanggang sa isang desisyon ang kanyang nabuo. Nagmadali siyang bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Aayusin niya ang sarili upang magtungo sa opisina, aayusin na din niya ang problemang kinakaharap.

PABUNTONG-HININGA naglakad si Cassey papasok sa building kung saan siya nagtatrabaho. Iyon na ang huling araw niya sa trabaho, dahil nagdesisyon na siyang magresign. Mahihirapan siya kung patuloy na mamamalagi doon.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN

Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y wala sa aking piling
Isang magandang alaala
Isang kahapong lagi kong kasama

Ikaw ang lahat sa akin
Kahit ika'y 'di ko dapat ibigin
Dapat ba kitang limutin
Paano mapipigil ang isang damdamin
Kung ang isinisigaw, ikaw ang lahat sa akin...

Napatda si Cassey ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad niyang nasapo sa sariling dibdib dahil tila ba anumang oras ay magtatatalon dahil sa tuwa ang kanyang puso.

Si Juke na bahagyang nakatago ay unti-unting lumabas, nilakad nito ang nakapagitan sa kanila ng dalaga.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Cassey. Palapit na sa kanya si Juke? Nababaliw na ba ito? Ang atensyon ng lahat ay sa kanila na napako.

"Sinabi ko sa'yo na gagawin ko ang lahat mapatunayan lang na tunay ang nararamdaman ko para sa'yo. I think... I think I'm going crazy kung hindi mo pa ako paniniwalaan." wika ni Juke, akatapat pa ang bibig sa mike na hawak nito.

SWEET MELODY (SERIES 2: THE BOYS) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon