Chapter 11:

1.9K 57 1
                                    

PASIPOL-SIPOL pa si Juke habang papasok sa kanyang opisina.

And I go whoops kirri kirri kirri whoops
I think I love you

Salubong na kanta ng tatlo niyang kaibigan.

"Ayssss!" reklamo pa niya ngunit nakangiti naman.

"Baduy mo, dude!" natatawang wika ni Ian, ibinato pa sa kaibigan ang hawak na pillow.

"Kinikilabutan ako, promise!" sabi naman ni Tristan.

"Palibhasa, hindi pa kayo naiinlove na dalawa!" sabay na wika nina Juke at Yurih.

"No way!" sabay ding sagot nina Ian at Tristan.

"Oh, com'on! Baka kapag nainlove na kayo, hindi lang SHALALA AT WHOOPS KIRRI ang gawin ninyo, baka mag..." kusang pinutol ni Juke ang nais sabihin at kinindatan si Yurih.

MACARENA

Dale a tu cuerpo alegria Macarena
Que tu cuerpo es pa' dale alegria y cosa buena
Dale a tu cuerpo alegria, macarena
Heeeyyyy macarena
Ahaaaa!

Sabay na kanta ng dalawa with matching dancing pa.

"Hindi ko na carry ang mga kabaduyan ninyo!" wika ni Tristan. Pinaghahampas pa nila ni Ian ang dalawa pang kaibigan.

Tawa lang ng tawa sina Yurih at Juke. Sa inlove, eh. Ano'ng magagawa nila?

"Aalis na ako! I can't take this anymore!" wika ulit ni Tristan.

"Me, too! Me, too! 'Wag mo akong iwan dito!" habol naman ni Ian, binalingan muna ang dalawang kaibigan at umaktong nangingilabot talaga bago iniwan ang mga ito.

"Mga ulol!" sabay na sigaw nina Yurih at Juke. Nag-apir pa silang dalawa sabay halakhak. Kapag inlove talaga, ang imposible ay magiging posible para sa kanila.

NAGNGINGIT-NGIT si Honey. Pinasundan niya si Juke sa isa sa mga tauhan ng kanyang papa. And guess what kung ano ang natuklasan niya? May kinahuhumalingan itong babae and worse empleyado pa nito.

"Sigurado ka ba d'yan sa sinasabi mo?" tanong pa niya sa taong inutusan.

"Opo, ma'am. Pero may hindi lang ako maintindihan." wika ng tauhan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ayon po kasi sa mga napagtanungan ko, ilang kasmahan noong babaing kinahuhumalingan ni Mr. Lopez, wala daw pong nakakaalam kung sino ang secret admirer nu'ng babae. Wala daw dumadalaw doon na lalaki, lagi lang na unexpected na sopresa ang nangyayari."

"Ha? What do you mean?" takang tanong muli ni Honey.

"Sa kalkukasyon ko po, hindi alam ng bsbae na ang boss niya ang kanyang manliligaw."

"What?" laliong nadagdagan ang galit ng dalaga. Siya na hayagang sinasabi ang tungkol sa anak nila pero ayaw nitong paniwalaan, tapos, heto at nahuhumaling sa isang empleyado ng pasikreto? Hindi siya papayag. Pero biglang tila may ideyang pumasok sa kanyang utak. Ang galit ay napalitan ng excitement. "Ipagpatuloy mo ang pagsubaybay sa dalawang 'yun." utos pa niya sabay pakawala ng isang makahulugang ngiti.

LALONG yumabong ang kumpanyang pinamamahalaan ng apat na magkakaibigan. Kahit pa sabihin na isa sa kanila ay may kinakaharap na eskandalo, hindi iyon naging hadlang upang lubos na magtiwala ang mga investors sa kanilang kumpanya.

Ginaganap nga ng gabing iyon ang isang party dahil dalawang malaking investors ang pipirma sa kanilang kumpanya. Ilang kaibigan, mga reporters at pamilya ang dumalo sa naturang party. Tuwang-tuwa ang apat dahil sa nangyayaring swerte sa kumpanyang kanilang pinamamahalaan.

SWEET MELODY (SERIES 2: THE BOYS) BY: REINAROSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon