Sworn Statement

37 3 1
                                    

Ako ay nangangakong ipapahayag ang aking malayang pag-iisip na may kinalaman sa lahat ng aking nakikita, naaamoy, nakakain atbp. Isa akong ordinaryong mamamayan na mahal aking bayan. Namumuhay ako ng patas at walang kinikilingan pero hinding hindi ko makakayang gayahin si Sir Mike Enriquez dahil mabilis syang magsalita pero mas nakakahingal ang pagbigkas ni Gloc 9. Sinubukan ko naman pero hindi ko na inulit dahil paniguradong kakailanganin ko ng oxygen pagkatapos ng kanyang kanta. Sa lahat ng magbabasa ng hindi ko masabi kung may kwenta ba o wala ang piece na ito ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako. Marami akong kinahihiligan pero ang pinakagusto ko ay kumanta at wala akong pakialam kung maganda ba o hindi ang aking boses. Hindi ako pabebe hindi rin naman ako pamatanda basta nasa gitna lamang ako. Hindi ko rin maipapangako na magiging isang libo ang wordings ng bawat chapter na ito at kung ilang chapter ba ang magagawa ko basta susulat lang ako ng susulat hanggang sa magpasya akong itigil na itong kahibangan ko. Maraming salamat sa Poong Maykapal at binigyan nya ako ng malayang pag-iisip at inilagay nya ako sa bansang may malayang pamamahayag. Hanggang dito na lamang muna at hanggang sa muli sabi ni Pong Pagong Bow.



Opinionated BitchWhere stories live. Discover now