"ANO BA kasing ginawa mo, bakit ka sinipa sa ano mo?" Naulinigan ko ang takang tanong ng kapatid kong si Josh nang bababa ako para uminom ng tubig. Nang marinig 'yon ay gusto ko na sanang bumalik pero dahil ihing-ihi na rin ako ay hindi na ko makakabalik pa. Kung bakit ba naman kasi walang CR sa taas ng bahay at kailangan ko pang bumaba. Pishtea naman, oo.

"E, wala. Magpapatulong lang naman ako, e. Kasi naman, 'di ko alam kung paano liligawan si Mich. Si Ate lang naman ang babaeng nakakausap ko kaya siya ang nahingan ko ng tulong. Ang kaso, sinipa ako sa B ko," nagmamaktol na usal naman ni Biboy.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya. Pishtea talaga, bakit ba kasi pa-suspense siya? Kung sinabi niya nang diretso, edi hindi ko sana sinipa ang B niya! Tanginumin naman talaga, e.

"Ang OA naman pala ng ate ko?"

Nangunot na lang ang noo ko sa sinabi ng kapatid kong taksil. Imbes na ipagtanggol ako, talagang ipinagsaksakan niya pa na OA ako. Dyahe. Pipisain ko talaga mga pimple niya, makikita niya.

Sa sobrang inis ay ayoko nang makinig kaya nag-ninja moves na ako papunta sa kusina pero hindi pa nga ako nangangalahati ay narinig ko na ang pagtawag ng dalawang damuho sa 'kin. At talagang sabay pa sila! Ano ito, choir?

"Ate?"

Dire-diretso akong naglakad papasok sa CR. 'Di ko talaga alam kung paano haharapin ang mokong. Tama. Dito na lang muna ako. Aalis na rin 'yon maya-maya dahil hindi naman 'yon nagpapagabi rito. Huminga muna ako nang malalim at nagconcentrate sa pag-upo sa toilet bowl ng CR namin. Pilit na tinatanggal ang pag-iisip kay Biboy. Pero pisti lang din dahil kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako tinitigilan ng litsi plan na utak na ito.

Nang maramdaman kong halos isang oras na ako sa loob ay napagdesisyunan ko nang lumabas. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nagiinat-inat pagkalabas na pagkalabas sa CR. Ang sakit kaya sa pwet maupo. Buti sana kung dala ko 'yong selpon para may pagkaabalahan man lang ako doon.

"Ang tagal mo namang tumae, ate..."

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa narinig. Akala ko umalis na siya. Akala ko, pisti naman talaga, e! Akmang tatakbo pa sana ako pabalik sa kwarto nang mahawakan na ng mokong ang braso ko, hindi na ako nakapalag dahil mas malaki pa rin naman ang damuho kahit mas matanda ako.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako, pisti ka!" paasik na sigaw ko sa kanya. Pero mukhang hindi man lang natinag ang loko dahil nakangiti lang ito sa 'kin na para bang walang naririnig. "Isa! Sisipain kita ulit do'n, ano?" banta ko pa.

Tumawa lang ang baliw na si Biboy na para bang isang demonyo habang inilalapit ang mukha papalapit sa mukha ko.

Hindi ako makahinga. Pisti, bad breath siya. De joke.

Sa totoo lang, mabango hininga niya. Amoy Maxx candy.

Unti-unti niya pang inilapit ang mukha niya. Kung luluwa lang siguro ang eyeballs ko sa laki ng pagkamulat ko, nalaglag na. Ramdam ko na ang bawat paghinga ng loko. At pisti, ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Sarap tusukin para tumigil. Pishtea.

Nang ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin ay ngumisi nang maloko ang damuho at nagsalita, "May atraso ka sa 'kin."

"Tse!" Itinulak ko siya nang pagkalakas-lakas para makalayo na talaga. Hindi na kasi talaga ako makahinga. Pero tanginumin, may sa-ahas ata ang Biboy na 'to at nagawa pang ipulupot ang mga braso sa beywang ko. At ang mas malala pa, nakaharap na ako sa kanya. Pishtea naman, e. Nagpupumiglas ako pero ang lakas ng loko, ga-bakal sa tigas ang mga braso. Nagtama ang mga mata namin, hindi ko maintindihan. Dami ko atang hindi maintindihan. Basta uminit bigla. Tanginumin.

"Alam niyo, ang sweet niyo. Kung hindi ko lang talaga kayo kilala, pagkakamalan ko kayong mag-jowa," biglang bulalas ni Josh habang nakatayo malapit sa refrigerator. Inirapan ko na lang ang kapatid ko at inis na inis na pinagbuntunan ng inis ang lokong si Biboy.

"Hoy, Josh! Ate mo ako, hindi mo man lang ba ako tutulungan?" pagmamakaawa ko pa sa kapatid ko pero wala man lang atang pagmamalasakit ang loko. Ni hindi man lang ako tinulungan at patawa-tawa lang na naglakad palayo. Gano'n, nagkalimutan na?

"So, pa'no 'yan, ate. Tayo na lang dalawa, tuloy na ba natin?" Ngumisi na naman si Biboy at muling inilapit ang mukha sa 'kin. Tanginumin. Ano bang sapi ng hayuf na 'to? Mas inilapit niya pa ang mukha niya at hindi na ako makapalag pa. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko na marinig ang mga pinagsasasabi niya. Nang pakiramdam ko ay walang-wala na talaga akong magawa ay ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Nang makapikit ako ay saka naman kumalas sa pagkakahawak ang baliw na si Biboy at tumawa na para bang nakakatuwa ang ginawa niya. Letsugas na bata ito, ang sarap ipakain sa pirana ang futa.

"Tanginumin, tumigil ka d'yan kung ayaw mong sipain ko na naman 'yang B mo! Letsugas ka, 'wag ako ang pagtripan mong damuho ka!" inis na inis na sigaw ko sa kanya. Hindi ko na nga namalayan na naluluha na pala ako sa sobrang galit.

Natahimik naman si Biboy matapos kong magsisigaw. Nanginginig na ang mga kamay ko sa galit. Ni hindi ko na magawang pigilan ang pagtulo ng luha ko sa sobrang emosyong nararamdaman ko.

Tatakbo na sana ako pabalik sa kwarto pero hinawakan niya naman ngayon ang kamay ko. Pero imbes na ngisi ang makikita ko sa mukha niya, gaya ng inaasahan ko, ay malungkot din ang mukha niya.

"Ate, sorry. Gusto ko lang namang maging quits tayo... Nagbibiro lang naman ako. Hindi ko naman talaga itutuloy. Hindi ko sinasadya, 'wag ka nang umiyak. Sorry na, sorry na, ate."

Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin. Hindi ko alam. Tanginumin. Bakit hinayaan kong yakapin niya ako? Basta, ang pakiramdam ko lang noon, nanghina ang mga tuhod ko sa yakap niya. Pakiramdam ko, kailangan ko siya para makatayo nang tuwid. Pakiramdam ko, kailangan ko 'yong yakap na 'yon.

Ilang saglit pa ay nagsalita na siya habang nakayakap pa rin sa 'kin na parang bata, "Bati na tayo?"

Isang tango na lang ang naisagot ko. Oo na. Bati na. Pisti talaga.



--


Author's Note: Ayan na. Paulanan na ninyo ako ng bala. Naghihintay ako. 

Mag-uupdate ako ulit kapag nagcomment kayo. Hahaha. Peace na. Magdedemand ako. Limang comment lang 'to. Hahaha. #mejopeymhur. Kapag nakalimang comment na, mag-uupdate ako. Tiwala lang <3



AteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon