Random 18

10 0 0
                                    

Minsa iniisip ko...



Kung may gender si Math... paniguradong babae yun. Sigurado na ako dun.

Kasi naman:

1. Napakakomplikado.

-Simpleng numero pero eechos pa ng kung ano ano. Tapos pag di masoluyunan, ipapasa sa'yo. Pag nagkamali ka... ikaw pa may kasalanan. Aba naman! Ikaw gumawa ng problema tapos ipapasa mo solusyon? Tapos pag di naayos ako pa mali? Aba matinde!

2. Bitter. Di makamove-on.

-Lagi na lang solusyunan. Hanapin si X. Paliwanag Y. Kami ba nagbreak? Kayo di ba? Bakit ako hahanap? Bakit ako sasagot? Ikaw dapat gumawa nun. Kung hahanapin mo lang din, sana di mo hiniwalayan. Tapos tatanong tanong ka pa ng Y? Ikaw mag-isip. Ang komplikado mo kasi.

3. Mahirap mag-explain.

-Sa haba ng pinaliwanag mo... hindi niya papakinggan. Madalas ikaw pa mali. Kailangan masagot mo siya base sa sagot na gusto niya. Ang labo mo din. Sinayang mo lang oras ko eh. Yung sa'yo lang din naman pala ang papakinggan mo. Kakabadtrip lang.

4. Mahirap ispelling.

-Isa pa to. Kailagan tama ang letters mo.  Haller! Math kaya tayo. Numbers. Hindi naman tayo grammar na wrong spelling wron. Pero bakit ikaw gumaya pa?!

5. Choosy.

-Napaka. Pili lang ang mga pinakikisamahan niya. Pili lag ang mga nagugustuhan. At napakaswerte mo pag nagustuhan ka niya. Napakamalas mo pag hindi. Kumbaga, isa siyang dakilang isnabera.

6. Mataas ang pride.

-Sobrang taas. Kahit lumuhod ka na at umiyak ng todo... DI KA NIYA PATATAWARIN!

7. May mens. (Menstruation)

-Oo. Pakiramdam ko talaga may mens always and forever siya. Mula sa one-six kong paliwanag. Kaya niyang pagsabay-sabay lalo na pag tinotopak. Doble lang pag meron. Masakit sa ulo. Masakit sa puson. Masakit sa lahat. Iiyak ka na lang.





Yan ang sa tingin kong mga dahilan kung bakit sa tingin ko babae si Math. Agree ba kayo?



-M

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

M's Random Thoughts.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon