Shot 1 ~ Brazen ~

106K 1.3K 37
                                    

A/N: Alternate po ang gagawin ko po sa Book 5 and 6. Naconfine na naman po kasi si lola ko kaya hindi po ako sure kung continous po akong makaka-ud pero susubukan ko po. Pasensya na po and salamat.

 Dedicated to: misschatterbox, salamat po ulit about don sa Parhelix :)

KATELINE'S POV

(PRESENT)

Nakatingin lang ako kay Triton habang nagpapacute siya sa isang babaeng guest na natutuwang kinurot siya sa pisngi. Mukhang alam ko na kung ano ang magiging future ng baby boy ko. San pa ba magmamana?

...

...

Kung di samin lang ni Marveige.

I had my fair share of men. Nope, Marveige was my first pero marami akong naging boyfriend. Si Marveige naman playboy na talaga from head to toe.

At least one woman man na siya ngayon.

Subukan niya lang na mangbabae.

-________-

"You know, baby. Alam ko kapag iniisip mong nangbababae ako or something like that. You know I wont."

Nilingon ko si Marveige at nginisihan.

"Of course you wont. Ang takot mo lang sa akin."

Ngumuso siya at umakbay sakin. Magkatabi ang upuan namin at pareho naming tinitignan si Triton na busy na busy sa pagpapacute. Sakit ng ulo tiyak ang aabutin namin sa batang to dahil siguradong walang babae na makakatiis sa charms niya.

Ngayon pa nga lang na bata pa siya ay cute na cute na sa kaniya ang mga kababaihan..take note..hindi batang babae lang. Pati mga kaedadan ko.

Napailing ako ng makita kong pinaupo na si Triton ng dalawang babae sa bakanteng upuan sa table nila at sinubuan pa ng cake.

Hanep.

"That's my boy."-marveige

"Proud ka pa diyan."

"Oh come on, look at him. You see how he use that eyes, parang ako lang. And the subtle smile..so like you."

The Camp: He's A Secret Agent Waiter and I'm His Boss (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon