Chapter 3

35.8K 442 10
                                    

Chapter 3

KINAGABIHAN pagkatapos nila mag dinner ni Gino ay nag tungo na sila sa bar kung saan idinaraos ang beach party nang isa college schoolmates nila. Bumati lang sila sa birthday celebrant at iniabot ang regalo bago gumawi sa area ng cocktail mixing.

Humingi sila ng tig-isang wineglass na may kanya-kanyang laman ng alak ayon sa preference nila ng gabing ito. The party started already and lots were drinking alcohol endlessly. Isa rin kasi sa kilalang pamiya ng upper class ang may kaarawan kung kaya bumabaha ng pagkain at imported na inumin. Sky's the limit kumbaga.

Naramdaman ni Cassandra ang bahagyang kick ng inumin at napangiti. Nagpasya siyang iwan muna si Gino na naghahanap ng lalaking makakausap habang siya ay patungo naman sa dance floor. This is the right time and feeling to dance this away.

Kalilimutan na muna niya pansamatala ang mga problema at stress sa kaniyang kumpanya. Bagama't maituturing nang successful ang kumpanya niya ngunit hindi pa rin naman mai-aalis rito ang mga hindi inaasahang problema.

Her adrenaline is rising dahil medyo wild ang ambiance. Since most of the guests are from the well-know families all over the country, na walang iniintindi sa buhay kung hindi paano pa palaguin ang pera ay todo-todo kung mag-party sa ganitong mga pagkakataon.

Nahawi ang dance floor ng dumaan si Cassandra. Hindi nagtagal ang sandali ay may mangilan-ngilan nang lumalapit sa kaniya upang subukang masolo siya. She knew better than them.

Wala naman siyang matipuhan sa mga narito rin sa dance floor at kaniya-kaniyang sulyap at ang iba ay kumikindat pa sa gawin niya. Inirapan lang niya ang mga ito at nagsimulang igiling ang kaniyang katawan sa isang ritmo ng tugtugin na walang lalaking nasa matinong pag-iisip sng hindi mahahalina sa bawat indak ng kaniyang baywang.



May isang foreigner na lumapit sa kaniya at hinawakan kaagad siya sa may baywang. "Hot lady!" sabi pa nito. Hinalikan na naman si Cassandra. Damn! Ano bang meron sa labi niya at maraming nahuhumaling dito? Mas nauuna pa lagi na halikan nila siya kaysa kilalanin ang pangalan niya ah! Mga walang kwentang lalaki talaga!

Kumalas naman din kaagad si Cassandra without responding to his kisses.

"Hey, beauty! Let's dance!" Paanyaya ng isang lalaki na amoy na amoy alak.

"Sumayaw ka mag-isa mo. Kailangan talaga sabihin pa sakin?" asar na sabi ni Cassandra. Itinulak niya ito. "Alis ka nga!"

"Aba't! Ang arte mo ha!" namula lalo ang lalaki na lasing. Hahalikan sana nito siya nang itinulak ni Cassandra ang lasing na lalaki na siyang dahilan kung bakit napahiga ito sa gitna ng dance floor.

"Maarte talaga ako! Kaya hindi mo ako madadaan sa paganyan mo! Balikan mo na lang ako kapag gwapo ka na!" Lalong nahawi ang mga tao. Iginala ni Cassandra ang paningin niya.

At tama ba siya nang nakikita? Ito na naman? Ang lalaking walanghiya! The one she saw earlier at the airport! He is drinking alone in one of the tables few steps away from her. What a small world talaga!

Agad naibsan ang iritasyon ni Cassandra. It's payback time, baby.

Konting landi lang bibigay rin ang lalaking tukmol na ito. Mga pauso ng lalaking 'to ay hindi uubra sa isang Cassandra Aragon. Alam niya naman na nagpapa-hard to get lang ito. Para namang hindi alam ni Cassandra ang iba't-ibang laro. "Hey!" Lumakad siya palapit sa nag-iisang lalaking pumukaw ng atensyon niya mag mula noong isang gabi pa.

Agad na napatingin sa kaniya ang lalaki habang si Cassandra ay sobrang tamis ng ngiti sa mga labi.

Tinignan lang ng binata si Cassandra. "What?" maangas pa rin na tanong nito.



Unzipping My Playmate's PantsWhere stories live. Discover now