Chapter Thirty-Seven
XXXVII. DEAL
"Why are you looking at me like that?" tanong niya bigla sa akin.
"Secret" sagot ko habang nagsusulat. Ano nga ba ang sinusulat ko ngayon? Gumagawa lang naman ako ng checklist para sa kanya. He said yes, as in YES. Y-E-S.
Nagulat din ako. Akala ko kasi, kailangan ko pang maglupasay sa sahig para lang mapapayag siya sa gusto ko. Anyways, naisahan ko naman itong nerd na ito eh. I lied about what I said tungkol sa pag-iwas ko. Alangan namang sabihin ko na may crush ako sa kanya at kailangan kong lumayo di ba? Mas mabuti na ito. At least wala na siyang ibang iisipin tungkol doon.
"Let me see" aalma na sana ako kaso nahila na niya sa akin yung papel na pinagsusulatan ko .
THINGS TO DO:
-Introduce him to Amasic, especially to MINT
-Change his "wardrobe"
-Make-over
-Practice, Practice, and Practice
"This is hilarious"
"Anong sabi mo?" tanong ko. "It's funny. Why do you have to make this list?"
"Wala lang. Baka lang po kasi makalimutan ko ang dapat kong gawin di ba?!"
"Can I insert something on your list? Para fair. It seems like puro pabor sa'yo yung listahan"
Napaisip din ako. Tama naman siya, may point. "Okay" sagot ko sabay hila niya sa akin ng papel.
I patiently waited. Well, I guess I'm stuck with him for now.
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. He has this gracefulness that I can't explain. Maybe, disguise lang niya yang baduy na suot niya pati na rin yung buhok at salamin niya. Maganda naman sila tita at ate Lexie. Hindi ko pa nga lang natitigan ng maigi yung tatay niya dahil nakakaintimidate masyado yung tatay niya. Takot ako hahaha.
Makinis si Kale, may abs din. Teka, bakit ko nga pala pinupuri ito? Anyways, nalarawan ko na siya noon pa, nuong pumunta ako sa bahay ng mga Cheng at nakita ko siya sa private place niya na nakabukod sa mismong bahay nila Aira na parang bungalow.
He writes gracefully. Takte, nakailang banggit na ba ako ng salitang gracefully? Tatlo na ata. Seems like totoo nga yung sinasabi nila na kapag humahanga ka sa isang tao, lahat nagiging maganda o kaya mas napapansin mo siya lalo, sa lahat ng aspeto. Nabalik lang ako sa sarili ko nung nilapag niya sa harapan ko yung papel na sinusulatan niya. Agad ko din itong tinignan.
THINGS TO DO: WHAT SHANEN CORAZON SHOULD DO:
-Introduce him to Amasic, especially to MINT
-Change his "wardrobe"
-Make-over
-Practice, Practice, and Practice
-Be his manager
-Be by his side when he needs her
-Accept his favors
-Bake/Cook for him
-Visit his house every weekends
-Stop arguing with him
-Be his friend
Medyo na-shock ako sa mga pinagsusulat niya. "What the hell?! Ano 'to? Ang daya mo! Bakit naman pabor lahat sa iyo ito?"
"Sino bang humingi ng kapalit?" sagot niya kaya natameme ako. Tumahimik ako saglit kasi nagiisip ako ng pwede kong sabihin sa kanya.
"Kahit na noh! Accept favors, pwede pa. Bake slash cook for him? Visit his house every weekends? Be by his side when he needs her? Ano ako? Body guard?!"
"Don't forget to add the 'stop arguing with him'. Wala namang masama dun sa mga sinulat ko ah? Pasalamat ka nga, hindi ka na mahihirapan maghanap ng ibang tao. Ikaw pa naman yung klase ng tao na hindi masyadong nakikipag-usap... Tell me, sino pa bang kilala mo ditto bukod sa amin nila Aira at ang Amasic?"
For the second time, natameme ulit ako. "ARRRGGGHHHH!!" napasigaw na lang ako sa kawalan. Ang hirap naman nito, Lord. Ano bang gagawin ko?
"Magbe-benefit ka din naman dito" sabi niya.
"Weh? Utut mo. Benefit ka diyan. Sige nga, ano naman yun, aber?"
"You get to be with Alex, Aira,... and me?" Juice colored. Pangatlong beses na po! Gusto ko yun! Gusto! Shet!
"So?....... Is it a deal? Or no deal?" tanong niya.
And without hesitation, I said yes.
PAGKATAPOS naming magkasundo sa 'dapat' kong gawin ay pinakilala ko na siya kila Troy. Nagulat nga ako kasi kilala ni Aki si Kale. Pero in-explain din naman ni Aki na yun nga, since kindergarten ay friends na silang dalawa.
I'm relieved kasi akala ko hindi magugustuhan nila Ate Maci at ng Mint si Kale. Medyo aloof lang siya ng kaunti pero okay lang naman yun. Si Aki lang halos ang kinaakausap niya eh.
Lumapit si ate Maci sa akin. "Not bad, Shanen. Pwede na siya, kaunting polishing na lang and-" "Let me guess? Yung style na lang?" tanong ko pabalik kay ate. Kaya sabay kaming natawa sa mga sarili namin.
You'll never know what I have to agree to, Ate Maci. You'll never know.
(I
YOU ARE READING
Invisible
ChickLitSi Shanen ay isang average girl. She's usually alone. Has limited friends. She's not popular...... Not until she met two guys that will make her college life crazy.... .. But the question is, who will make her special and not INVISIBLE?
