XXVIII. Amazingly Different Among Others

11 3 0
                                    

Chapter Twenty-Eight

XXVIII. Amazingly Different Among Others



"Aira, anong gagawin ko?" tanong ko kay Aira. I don't feel like doing any kind of sports today. In tagalong: TINATAMAD PO AKO. Oo, tinatamad akong mag-P.E.! Kainis!


"What's wrong?" napasimangot na lang ako. Takte, nasanay na talaga akong maging conyo. O kaya straight English talaga, hay nako.


"Ayoko mag-P.E. Please, alis na tayo. Pleeeaaaassseee???" tanong ko. Todo pa-cute na din para maawa sa akin ang kaibigan ko.


"Okay, okay! Ang tamad mo talaga, naku! Kung di lang kita love eh!"


--


TINIGNAN ako ni Aira bilang signal. Kaya tumango ako kaagad sa kanya. Nag-lalaro kami ng volleyball sa gym ngayon. Magkalaban ang grupo ko at grupo ni Aira.


I really, really hate this sport. No, scratch that. I don't have any sport. Sa tingin ko malas ako sa mga sports. Ewan ko ba, sinumpa ata kami hahaha. Ayokong naglalaro ng volleyball kasi palagi akong natatamaan. Speaking of tamaan, magpapatama ako ng bola. Huhu! I know, I know that this plan is VERY STUPID. But who cares? Gusto kong makaalis ng P.E. time!


"Ilag, Shanen! Oh My Golly! Sorry! Prof! Dadalhin ko lang sa clinic si Shanen"


I faked my pain. Hindi pala, in-exaggerate ko pala lalo. Hahahaha! Best actress!


"Okay. Excused kayong dalawa. Sa susunod Ms. Cheng, dahan-dahan lang. Natamaan tuloy sa ulo si Ms. Corazon" sabi ng professor naming sa P.E.


"Pasensiya nap o talaga, sir. Babawi na lang po ako next meeting"


"Okay. Lagayan mo ng yelo yang ulo mo. Baka tuluyan ng magkaroon ng bukol yang ulo mo"


Tumango ako at nagpatuloy lang sa pag-arte hanggang sa makalayo na kami ng school gym. "HAHAHAHAHAHA!" sabay na tawa namin ni Aira.


"Hindi ko kinaya, girl! Hahaha! Ouch ha" sabi ko habang hinihimas na yung tuktok ng ulo ko. "Girl, may talent ka din sa sports. Lakas mong mag-spike! Tignan mo, nakakapa ko na yung bukol ko"


"Sorry! You asked for it naman kasi noh! " pabiro niyang sabi. Kahit binatukan niya ako, masaya pa din ako! Haha!. Kaya inakbayan ko siya at hinila papuntang canteen para kumain.


"Saan tayo kakain?" tanong ko kay Aira. "Sa office na lang ni Riq" sagot niya. Ay oo nga pala! Secretary pa la itong magaling kong bestfriend. Kaya dumiretso na kami sa office ng student council.


"So kamusta kayo ni Papa Enrique? Going strong?"


"Yes! Haha! He's a great guy, Shen..... And I love him"


"Napakilala mo na ba siya sa parents mo?"


"Not yet. Pero malapit na. Sa kasal ni ate Lexie, ipapakilala ko na siya.... Di ba in-invite ka Tita?"


"Yep. Parang ayoko nga pumunta eh, ayaw ata akong papuntahin ni baby boy" pagdra-drama ko. Haha. Pwe, pabebe hahaha!


"Cool! I won't get bored! And I will get the chance to fix your hair and do your make up! Yey!" excited na sabi niya. Lol. Para naman niyang sinabi na pangit ako -_-


"Pero sino naman si baby boy?" tanong niya bigla. At bigla na lang akong tumawa! Hahaha!


KUMAKAIN ako ng palabok habang silang dalawa (si presi at si sexytary) ay naglalandian! Kainggit! Haha! Kami kaya ni Kale?


Wha-whut? Hala! Bakit ko ba iniisip yung landian na ganyan! Hay nako! Makaalis na nga!


"Bye love birds!" sabi ko habang lumalabas ng office ng student council. Pupunta na lang ako ng Amasic.


Naabutan ko yung mga ka-member ko na nagja-jamming. Halos lahat nanndoon kasi mas dumami kami ngayon kaysa nung last na punta ko. Nakita ko si Ate Maci na pasulyap-sulyap kay Troy. Paano ba naman, tumutugtog yung banda nila ngayon. And wow, may hitsura tong mga ka-banda ni Troy (pati na rin siya pala haha!).


Tumabi ako kay ate Maci hanggang sa matapos yung kinakanta nila. "Ang gwapo niya talaga, Shanen!" kinikilig na bulong ni ate. Nginitian ko siya kasi nakakatuwa siyang kiligin.


"Hi"


Napalingon ako sa nagsalita. Pogi din. Grabe Lord, ang daming gwapo!


"Uhm.. hello?" nahihiya kong sagot.


"Akiko Perez, and you are?" he said while offering his hand for a handshake.


"Shanen, Shanen Corazon" sagot ko habang tinatanggap yung handshake niya.


"Totoo nga ang sinasabi niya sa akin" bigla niyang sabi. Hindi na kasi ako nag-attempt na gumawa ng conversation. Di naman kami close noh! Haha!



"He said that you are different, amazingly different among others"



-------


A/N: Happy 500+ reads! I appreciate everyone who added my story on their RL's.


Thank you! I'm so overwhelmed sa PENTATONIX! Kakauwi ko lang galing Araneta Coliseum! Waaahhhh!!

InvisibleWhere stories live. Discover now