"Mas mabuting magpahinga ka na rin... at mukhang galing kayo sa mahabang biyahe. Bukas na bukas din ay magiging okay ang lahat.", patuloy sa kanyang pagsusulat.
"okay lang ako, pero siya ang hindi nakapagpahinga sa biyahe..."
Humarap ang doktor sa kanya at itinapat sa leeg ng lalalki ang dulo ng ballpen.
"Makinig ka bata, kahit hindi kita nasuri ngayon alam ko na kinakailangan mong magpahinga. Huwag ka ng mag-alala sa kanya dahil mamaya maya lamang ay baba na ang kanyang lagnat.", ngiting aso pero may halong pagkainis.
"okay..."
Sumuko ang lalaki sa doktor dahil sa tama siya na nararamdaman niya ang pagod sa kanyang katawan. Nakuntento ang doktor sa kanyang sagot at inalis ang ballpen, pinagpatuloy ang kanyang pagsusulat.
"Mabuti naman kung ganun, 3:45 ng hapon pa lang naman... Mahiga ka sa isa pang kama."
Tumayo ang doktor, inilagay sa malinis na folder ang patient form ni Luciel at inilagay ng maayos sa file organizer. Kinuha ng lalaki ang kanilang bag at si Dr. Ono naman ay isinara ang kurtina ni Luciel. Lumapit ang lalaki isa pang patient bed at ibinaba ang bag sa ilalim ng patient bed. Nakalabas na ang doktor at isasara na ang pinto...
"Iiwanan ko muna kayong dalawa para makapagpahinga kayo ng maiigi at alam naman ninyo na hindi maganda sa ating katawan ang kulang sa pahinga at tamang nutrisyon."
Matapos sabihin ni Dr. Ono ay ngumiti ito sa lalaki at isinara ang pinto.
"...", tahimik lang ang lalaki.
Umakyat si Dr. Ono sa taas o ikalawang palapag para ipagpatuloy ang kanyang thesis.
Samantala ang lalaki ay unti unti niyang inalis ang kanyang mga suot na sshades, cap at scarf para naman maging komportable siya. Habang inaalis niya ang kanyang jacket, naalala niya si Luciel. Dahan dahan niya hinatak ang kurtina at bumungad sa kanya si Luciel na hirap na hirap sa kanyang paghinga at pawis na pawis. Kinuha niya ang kanyang panyo at agad ipinunas sa mukha at leeg ni Luciel. Pinagmasdan niya si Luciel nang ilang minuto, pinunasan at inayos niya ang kumot. Lumayo siya at inalis ang kanyang jacket saka humiga sa kama. Hindi niya isinara ang kurtina para mabantayan niya si Luciel.
Makalipas ang tatlong oras, ang araw ay natulog na at si buwan naman ang gumising kasama ang mga nagniningningan mga butuin sa kalangitan. Sa madilim na bayan, ang mga ilaw sa poste, bahay at tindahan ang nagbigay liwanag sa lugar. Isang katok ang maririnig mula sa pinto, kaya agad bumaba si Dr. Ono para salubungin ang taong kumakatok sa pinto ng kanyang klinik.
"Hai~!", masaya niyang sinabi at sabay bukas ng pinto.
Mukhang alam na niya kung sino ang kumatok sa pintuan ng kanyang klinik at ang taong kumatok ay natutuwa sa sagot ni Dr. Ono.
"Dai-kun, nandito na ang aking ipinangako ko sa iyo..."
Si Aoi-san ang masayang masaya na makita si Dr. Ono at sa kanyang mga kamay ay isang malaking ceramic pot. Itinaas niya ng kaunti ito kay Dr. Ono para makita ang kanyang dala dala. Ang mga mata ni Dr. Ono ay kumikislap habang naglalaway sa mga dala ni Aoi-san.
"Aiko-san! Maraming salamat po!", yumuko at kinuha ang ceramic pot sa mga kamay ni Aoi-san.
"ohhh...", inilayo ang ceramic pot kay Dr. Ono.
"eh?", pagtataka.
"ako na ang bahala dito at ako naman ang may suot na pot holder. Baka mapaano ka pa niyan, pakidala na lang ang mga ito...", tinuro ang nasa kanyang paanan.
"Tama nga po kayo... Sige po pumasok na po kayo at ako na bahala sa iba."
"Maraming Salamat, Dai-kun.", malambing niyang sinabi.
"Aoi-san, ako po ang dapat na labis na nagpapasalamat po sa inyo sa lahat lahat."
Yumuko si Dr. Ono kay Aoi-san at tumuloy na si Aoi-san sa loob ng klinika. Naglakad siya papunta sa isang kwarto na may maliit na lamesita na tinatawag an kotatsu sa gitna ng kwarto. Sa loob sa nito ay isang flat screen tv nasa pader, sa ilalim ng tv ay isang mahabang furniture na gawa sa oak tree na may dalawang kabinet at sa ibabaw nito ay ang mga litrato. Sa kwartong iyon ay makikita ang mga halamanan na tulad ng herbal medicines, bulaklak at dalawang puno na sakura tree.
Inilapag ni Aiko-san ang ceramic pot sa lamesa at saka inalis ang mga pot holder sa mga kamay nito. Sumunod si Dr. Ono kay Aoi-san, bitbit ang tatlong layers ng sushi box at halos naglalaway o takam na takam na siya sa kanyang naaamoy.
"Dai-kun, lalamig ang pagkain kung maglalaway ka ng ganyan..."
"Hai!", mabilis na sagot ni Dr. Ono.
Agad pumunta si Dr. Ono sa kwarto at inilapag ang sushi boxes sa lamesa. Kumuha ng mga chopsticks, bowl, kutsara at tasa si Dr. Ono. Samantala nag-umpisa na si Aoi-san mag-init ng tubig sa isang takure. Inayos ni Dr. Ono ang mga kasangkapan sa lamesa at sa mga ilang minuto ay kumulo na ang tubig at nag-timpla na si Aoi-san ng tsaa. Habang si Dr. Ono ay naghihintay sa kanya at pinipigilan ang kanyang sarili sa pagkain ng mga pagkain na nasa kanyang harapan.
"Dai-kun, naghugas ka na ba ng iyong mga kamay?", boses galing sa kusina.
"Hai!"
Lumabas na si Aoi-san sa kusina at bitbit sa isang tray ang ceramic kettle na maliit na naglalaman ng mainit na tsaa. Dahan dahan niya ibinaba ang tray, umupo siya ng maayos at sinalinan ang mga tasa ng tsaa. Si Dr. Ono ay naglalaway na at matiyagang iniintay matapos si Aoi-san sa paghahain ng mga pagkain.
"Aiko-san, Maraming salamat sa masarap na hapunan!!!ITADAKIMASU~!", masaya niyang itinaas ang kanyang mga kamay.
Masaya si Aoi-san sa kanyang narinig...
"Walang anu man... Dai-kun.", smiles gentle and do the same thing.
Nang kukuha na si Dr. Ono nang isang sushi ay bigla siyang tinapik ni Aoi-san sa kanyang kamay.
"Dai-kun, may nakakalimutan ka ba?"
"uhmmm?", pagtataka.
"Nasaan na ang mga bata? Sigurado akong nagugutom na rin sila...", dahan dahan niyyang inalalagyan ng sabaw ang mga mangkok.
"Oh?... Natutulog pa rin po simula kanina...", ma-inggat niya inilapag sa lamesita ang mangkok.
"Hmm.... akala ko pa naman din magkakabay tayong kakain..."
"Subukan ko po silang gisingin---", papatayo na siya.
Nang biglang namatay ang mga ilaw na tila nagkaroon ng blackout at isang malakas na hangin ang sumalubong sa kanilang dalawa. Sa mga ilang sandali ang agad bumukas ang mga ilaw, ang nararamdaman nila ay kaba at hindi maipaliwanag na pangyayari.
String 2: Chiba
Start from the beginning
