"may good Samaritan pa pala sa panahong ito...", bulong niya sa hangin.
Alalay lang ang pagtaas sa katawan ni Luciel at inalis ang jacket nitong suot. Matapos alisin ang jacket ay ihiniga niya si Luciel at nilagyan ni Dr. Ono ang thermometer sa kili kili.
"Ipapafill-up ko na lang sa kanya iyan..."
"...", napabuntong hininga.
Lumapit si Dr. Ono sa paa ni Luciel na namamaga na at nagkukulay ube. Dahan dahan niyang inalis ang sapatos at medyas ni Luciel. Pagkatapos niyang alisin ay maayos niyang inilagay sa corner table ang mga gamit.
"Pero... pakifill-up na lang ang Person Responsible at maging honest Mr. Samaritan..."
Sinabi niya iyon sa lalaki habang inaasikaso si Luciel, na ikinagulat ng lalaki sa kanyang narinig at nag-aalinlangan.
"kailangan pa ba?"
Inis-sprayan ni Dr. Ono ng cold spray para maibsan ang pamamaga sa paa ni Luciel. Humarap siya sa lalaki at biglang itinapat sa kanya ang matalim na gunting. Napalunok sa takot ang lalaki at pinagpawisan ng kaunti.
(akala ko itatapon sa akin ang matalim na gunting na yun), sa isip ng lalaki.
Sa mga ilang segundo ay inalis niya ito sa harapan ng lalaki at sinimulang mag-gupit ng masking tape si Dr. Ono.
"gawin mo na lang..."
Dahil sa napilitan ang lalaki, finill upan niya ang form at inalis na ni Dr. Ono ang thermoter sa kili kili ni Luciel.
'39.5°', he sighed.
Kinuhanan niya rin si Luciel ng blood pressure at heart rate. Kumuha siya ng paracetamol at malinis na injection para kay Luciel. Habang naghahanda ng mga gagamitin si Dr. Ono para kay Luciel ay lumapit ang lalaki sa kanya.
"Sensei...hm?", inabot ang form.
"Lagnat at pamamaga sa kanyang paa."
Inumpisahan na ni Dr. Ono lagyan ng gamot na paracetamol ang injection para maisaksak sa kay Luciel.
"Stress o over work siya kaya naman nilagnat siya plus ang pamamaga ng paa niya. Maupo ka muna at saka kita kakausapin. Uunahin ko muna ang pasyente."
Naupo siya sa waiting area at nagsimulang iinject ni Dr. Ono ang gamot sa kanyang balikat. Nilagyan niya rin ito ng cool fever sa noo, inalis ang salamin at kinumutan si Luciel. Nakikita sa mukha ni Luciel ang hirap at sakit na kanyang nararamdaman. Lumapit si Dr. Ono sa kanyang lamesa at naupo.
"akin na ang form..."
Tumayo ang lalaki sa kanyang kinauupuan at maayos inabot ang papel kay Dr. Ono. Agad isinulat sa papel or Patient Form ang kalagayan at aksyon na kanyang ginawa kay Luciel. Tumingin ang lalaki kay Luciel at nakita niyang nahihirapan itong huminga at mapupula ang mga pisngi nito.
String 2: Chiba
Start from the beginning
