"ang totoo ay---"

"Dai-kun, magandang hapon...", singit ni Aiko-san with a gentle smile on her face.

"Aiko-san, Magandang Hapon...", niyuko ang kanyang ulo.

"Aba! May mga pasyente ka, mabuti naman kung ganun?!", napapalakpak at ngumiti.

"Oo... nga... po", nag-aalangang sumagot.

"Mamaya, may iaabot ako sa iyo... at siguradong magugustuhan mo...", giggles.

"uhmm...sige po, maraming salamat!", nagpasalamat.

"Ok?! Yun lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo, Dai-kun. Papasukin mo na ang mga batang ito. Mukhang malayo pa ang kanilang pinang galingan ", nag-aalala sa dalawa.

"eh....", nakonsensiya sa sinabi ni Aiko-san.

"Mabuti na rin na dumami ang mga kliyente o pasyente mo. Tutal kami ni Ren-san tinatanggap mo.", tinapik sa balikat ang lalaki at natutuwa.

"AH!!! Aiko-san?!!", napakamot sa ulo at nakukulitan.

"Tama ba ako Dai-kun?", lumingon kay Dr. Ono at ngumiti.


Habang nag-dadalawang isip si Dr. Ono, kung tatanggapin niya ang dalawa para gamutin ay si Aiko-san ay kumindat ng pasimple sa lalaki na buhat buhat si Luciel at saka siya bumalik sa kanyang tindahan.


"pumasok na kayo... at mukhang... may lagnat ang kasama mo...", sabay hikab.


Tumalikod ang doktor at pumasok sa llob habang kumakamot sa ulo.


"Lagnat???", nagulat ang lalaki at tumingin kay Luciel.

"Ms...", tinawag niya si Luciel at niyugyog ng kaunti.


Sumili ang doktor sa dalawa.


"Bilisan mo na at ipasok mo na siya dito, baka magbago pa isip ko at... huwag mo rin kalimutang isarado ang pinto."


Pumasok ang lalaki kahit na buhat buhat niya si Luciel at marahan niyang isinara ang pinto sa pamamagitan ng kanyang paa. Pumunta ang lalaki kung saan naroroon ang doktor. Sa kwarto na may upuan para sa tatlong tao, na malapit sa pinto. May dalawang patient bed na may kurtina sa bawat higaan for privacy at isang office table na may mga organize filed and folders para sa doktor. Mayroon din na isang malaking medicine cabinet na may maraming gamot at iba pa.

Kumuha si Dr. Ono ng mga papeles at mga gamit para masuri si Luciel. Isang thermometer, bandages at isang medicine spray para sa pilay.


"ihiga mo na lang siya doon...", itinuro ang isa sa patient bed.


Dahan dahang ihiniga si Luciel sa patient bed at saka lumayo ang lalaki para masuri ni Dr. Ono. Naupo ang lalaki at inilagay niya ang kanilang bag sa upuan. Nilapitan siya ni Dr. Ono at inabutan ng isang patient form with blue ballpen.


"pakifill-up... na lang itong patient form...", lumapit siya kay Luciel.

"pero di ko siya kilala...", ibinalik ang form.

2 StringsWhere stories live. Discover now