Habang abala si Tin sa kaha si Alex naman palihim na nakikipag text kay Slater sa araw araw na hindi ito nagpapakita sa dalaga kay Alex sya kumukuha ng mga impormasyon tungkol dito –at ngayon nga ay ibinalita ni Alex dito ang pagpunta nang tiyahin nito –gustong gusto nang pumunta ni Slater sa shop para masigurong ok lang ito –hindi dahil sa hiniling ni Zanjoe ang ingatan ito kundi dahil gusto nya –pero sinabi nga ni Alex na ok na naman ito –pero hindi pa rin sya mapakali kaya pumunta syang bayan ngunit hindi makuhang lumapit ito sa shop –ilang araw na din nyang ginagawa ang palihim na pagbabantay dito –at kung kilan naman may importante syang nilakad sya namang pagkaroon ito ng di inaasahang pangyayari –kaya ngayon lang sya nakarating sa bayan

Tinay labas lang ako ha –may ipapabili kaba? –paalam nya dito –nang matanggap ang huling text ni Slater at sinabing gusto sya nitong makausap

Wala naman –nakangiting sagot naman nito

Sandali lang ako may pupuntahan lang ako

Sos makikipagkita kalang naman sa katext mate mo e –biro nya pa dito

Nagulat si Alex sa sinabi ni Tin pero hindi sya nagpahalata at ngumiti lang ito –malay mo bakla ito na ang prince charming ko –parang kinilig pa nitong turan

Sige na baka mainip yun kakahintay sayo iwan ka pa

Kumusta na sya –agad na tanong ni Slater pagkarating ni Alex

Ayun ok na naman pero kanina iyak na naman ng iyak

Ano daw ba ang kailangan ng tiyahin nya?

May sakit daw sya kailangan ng pera para sa gamot pero di ako naniniwala ang lakas lakas kaya tapos kung umasta para bang may pinapatago sya kay Tinay –ang kapal ng mukha talaga kung di lang talaga matanda yun baka nasabunutan ko na –patuloy na paglabas ni Alex ng galit

Hoy teka lang –reklamo naman ni Slater –hindi naman ako ang kalaban dito ah –bakit ako sinisigawan mo

Para namang natauhan si Alex sa sinabi ni Slater –ay sorry naman na carried away lang nainis kasi talaga ako –teka sandali bakit ba ayaw mo nang pumunta ng shop ha?

Tsk kala mo naman walang alam to –di ba nga ayaw ni Tin na nakikita ako –ayoko lang madagdagan ang galit nya sa akin kaya di nalang ako magpapakita sa kanya

Slater may gusto ka kay Tinay ano? –diritsang tanong ni Alex dito

Kung sasabihin ko bang mahal ko sya may magagawa kaba? –wala naman diba –dahil kahit sinasabi mo sa akin ang mga nangyayari kay Tin alam kong si Z parin ang gusto mo para sa kaibigan mo –malungkot nitong turan

Alam mo naman ang pinagdaanan ni Tin diba at si Zanjoe ang naging karamay nya –hindi lang basta boyfriend si Zanjoe kay Tin alam mo yan –Z is her everything –siguro kung una kayong nagkakilala ni Tin baka –alam ko namang mabait ka e

Una naman talaga ako sa buhay ni Tin e –bulong ni Slater

Ha? –may sinabi ka?

Wala –sabay iling nito –basta sabihan mo ako agad ha kung may hindi magandang nangyayari sa inyo dito –lalo na kung babalik dito yung kamag-anak ni Tin –tumango naman si Alex sa hiling nito –at nagpaalam ng bumalik ng shop

Kuya oh God –agad na sumugod at niyakap ni Fritzie ang kapatid ng makitang palabas na ng airport –what took you so long to comeback here –halos nagpapanic na tanong ni Fritzie sa kapatid

Kung ako lang bunso hindi na ako babalik dito –pero dahil kina Mama at Tin kaya nandito ako –lets go I’m quite tired –tahimik lang na nagdrive si Fritzie pabalik sa bahay nila –si Divine? –hanap nito sa isa pang kapatid

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SHEWhere stories live. Discover now