Mr. Sungit Chaptie 4

4.3K 74 1
                                    

MMS Chaptie 4

(Carl's POV)

ASAN NA BA ANG BABAE NA YUN! AIST! Bat di siya nagrereply. Gabing gabi na eh. Itetext ko nga ulit baka magreply na.

Kaso baka wala siyang load. AYYY. IMPOSIBLE NAMAN YUN. TSK!

To Hoy Nika:

Hoy, asan ka na ba? GABING GABI NA! WALA KA BANG ORASAN?

KANINA PA NAG AALALA SI NANAY LISA SAYO!

(message sent)

after 5 minutes may nagreply.

From 0915*******

If someone is worrying about you,

definitely she/he loves you.

sino pwede katext?

GM.

Ay langya, sino ba tong nagtetext na to? Pinapatamaan nya ba ako? Psh.

Bat ba kasi di nagrereply yun. Ay!

(1 message recieve)

Ohh, sana siya na to.

From Hoy Nika:

Hahahahahahahaha! :D

Aba! loko to ah, tawa tawa pa. Yun lang ba irereply niya? Tinatanong kung saan na siya tapos "Haha" ang irereply.

(typing...)

To Hoy Nika:

Tinatanong kita kung nasaan ka, diko sinabing magreply ka ng Hahaha!

(Message Sent!)

After 5 minutes wala pa ring nagrereply. Ano bang klaseng babae yan, di ba siya marunong magreply ng mabilis at nang maayos?! Matawagan na lang nga!

(Calling Hoy Nika..)

Maya maya pa sinagot na rin.

"Hoy! ANONG KLASENG BABAE KA? KITA MONG GABING GABI NA DIK--"

"Hahahahaha. Hindi ako si Nika!" hala! teka, lalaki yun ahh. bakit lalaki ang sumagot ng Cellphone niya?

Nanlalalaki ba siya? Aba!

"Hoy bakit na sa iyo ang Cellphone ng Asawa k--" loko yun ah! Bigla ba namang binaba. Aiiiiist! Lagot sakin ang Nika na yan, nakuha pang manlalaki alam naman niyang may asaw-- Ay mali mali! BAHALA SIYA! WALA NA AKONG PAKIALAM SAKANYA! tsssss.

Paakyat na sana ako nang kwarto nang biglang may kumakatok sa Pintuan. Bubuksan ko sana kaso naunahan ako ni Nay Lisa.

Hindi muna ako umakyat at nag stay muna ako sa may hagdan, baka kasi si Nika na yung dumating.

At tama nga ako, si Nika nga. Lagot ka sakin! Pero teka bat parang namumutla siya? Bahala na nga. Tsssk.

"Oh iha, ginabi ka na ata? san ka ba galing ha? kanina ka pa hinih--" Diko na pinatapos si Nay Lisa sa sasabihin niya.

"BAKIT NGAYON KA LANG HA?!" tanong ko sakanya.

"Ahh kasi galing pa kami sa--"

"SINONG KAMI? NANLALALAKI KA BA? DI MO BA ALAM NA GABING GABI NA?!"

"Hindi, pumunta kami sa Mall para--"

"AHH! SO NAKUHA MO PANG MAMASYAL? WOW. AYOS AH, GANITONG ORAS? TSSK."

My Mister Sungit (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon