Ch40: Frustrations and birthday special

Börja om från början
                                    

“So anong gusto mo ipahiwatig?” Mula sa mahigpit na hawak niya sa kamay ko, lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bumagsak ito sa magkabilang side niya.

“Ha?”

“Gusto kita Enzo…” Ngumiti siya sa akin pero hindi ko kayang ngumiti pabalik, pakiramdam ko pati ako nasasaktan sa sinasabi ko. “…pero bilang kaibigan lang, wala ng iba”

“Pero, gusto kita…mahal kita!”

Pumikit ako at humugot ng napaka lalim mula sa kaibuturan ng lungs ko to make myself calm. I know bata pa ako at immature pero tama pa ba tong logic ni Enzo?

“Enzo…” Ang bigat bigat na ng loob ko, nahihirapan na ako. “May gusto ako kay John.”

Ito ang pinakaunang pagkakataon na inamin ko sa kahit na sino man na may gusto ako kay John. Kahit sa akin nga minsan in denial ako pero ngayon, parang handang handa na ako sabihin sa iba na may nakapukaw na ng puso ko.

Tinitigan niya ako for a few seconds at tumayo.  Inilahad naman niya ang kamay niya sa harap ko na ipinagtaka ko naman.

“Sayaw tayo.” Nagkatitigan lang kami, anong… bakit? Matapos kong sabihin na may gusto ako kay John, tska niya ako aayain na sumayaw? Adik ba talaga 'tong lalaking 'to?! “Tara na!”

 

Sapilitan niyang hinawakan 'yung kamay ko at tinayo ako saka sapilitang pinaikot ang kamay ko sa leeg niya at hinawakan niya ako sa bewang, sobrang higpit na sobrang lapit na namin sa isa't isa.

“Ano na naman ba 'to Enzo?”

“First dance ko… at last dance” Napatingin ako sa mga mukha niya pero hindi siya nakatingin sa akin. Matangkad siya kaya ang tingin niya, nasa harap lang—hindi siya yumuyuko para tignan ako.

“Bakit ba kasi ako pa?” Bulong ko.

“Hindi ko rin alam…”

Sabay kaming nagbuntong hininga. Nararamdaman kong nasasaktan siya pero hindi naman pwedeng dahil lang sa sabihin niyang gusto niya ako ay magiging kami na. Hindi naman kasi ganun sa totoong buhay—o para lang sa akin? Ewan ko, ang weird ko eh!

“Hindi ba talaga pwedeng—”

 

“Enzo naman eh. . .”

 

“Hindi ako marunong manligaw pero liliga—”

“Kamusta naman kayo ng ex mo?” Napatigil kami sa pagsusway. Tinignan ko siya sa mukha at mukhang nagulat siya sa tanong ko. “Maaayos niyo pa lahat 'yan.”

Just One AnswerDär berättelser lever. Upptäck nu