"He-he-he-he. L-LQ?"

"Lover's Quarrel. Hindi man lang ako tinext kagabi eh monthsary namin. Kaya galit ako sa kanya. Hindi man lang nageffort." super 'mataray' na sabi ni Trina.

"Eh? Boyfriend mo siya? A-akala ko friends-,"

"Nung nagkita tayo sa park, nililigawan na niya ako. Tapos naging kami and first monthsary namin kahapon pero wala man lang siya effort." sabi ni Trina.

Nagkwentuhan pa kami ni Trina. Pero hindi na tungkol kay Diego kasi super duper angry daw siya. Parang naging instant bestfriend kami agad. Hihihi. Magaan kasi ang loob ko sa kanya and para ko siyang twin kung magsalita and mag-isip. Di kaya Barbie rin 'to? Hihihi, joke! Nalaman ko rin na mas matanda siya sa akin ng one year. Third year college na siya, by the way.

Nang malapit na magtime ay naghiwalay na kami ng landas. Ahihihihi. Ang deep ng words na ginamit ko. Nabasa ko lang yun sa mga libro ni tita Ai.

Nagsimula ng magdiscuss si prof. Nagsimula na siyang magturo ng mga lessons kaya nagtake down notes na ako. Para kapag may hindi nakopya o naintindihan si Daniel, meron akong ituturo sa kanya. Sukli na rin ito sa kabutian ng family nila sa akin. Napatingin ako kay Daniel at friends at napansin kong sleepy na sila kaya isa-isa ko silang binatukan para magising. Aba! Bad magsleep kapag may prof na nagdidiscuss.

"Hay, salamat! Tapos na rin!" sabi ni Sam sabay stretching pa.

"Grabe! Bagot na bagot ako!" sabi ni Robi.

"Tsk tsk. Dapat nakikinig kayo kay prof. Sayang ang pera na ibinayad ng parents niyo kung di kayo makikinig!" saway ko kay Daniel and friends at binatukan ng full force.

Sabay-sabay naman silang nag-aray.

Hmph! Kasalanan niyo 'yan!

"Huhuhu Kath-Kath. Sorry na! Di ko na sasayangin yung pinangbayad ng magulang ko. Makikinig na ako. Pero wag mo kong saktan." sabi ni Khalil at niyakap ako ng sobrang higpit. Omo! Cute! Cute! Hmmm? Sige na nga! Pinapatawad ko na si Khalil.

"Waaah, ako rin Kathy!"
"Payakap rin Kathryn!!"

Sabi ni Sam at ni Robi at niyakap ako. Omo! Ganito ba talaga sa planet earth? Sobrang clingy ng mga tao. Ahihihihihihi, joke lang. Pero cute! Cute! Pinapatawad ko na silang lahat.

"Hoy! Magsosorry lang kayo pero kailangan may yakap?!" sigaw ni Daniel at sabay-sabay na binatukan si Khalil, si Sam at si Robi. Hmmm brutal Daniel. Brutal!

Agad namang lumayo sa akin ang friends ni Daniel at sinamaan siya ng tingin.

"Ikaw Daniel ha! Nakakainis ka na! Kapag lumalapit ako kay Kathryn, gagawa ka ng paraan para mapalayo ako sa kanya. Bawal bang makipagkaibigan kay Kathryn?!! Kairita ka na!! May Mich ka na, akin na lang si Kathy ko!!" sigaw ni Sam.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon