Kung Dudungaw Ka, Bayan Ko

16 0 0
                                    

Si Roberto

"Itay! Itay! Anu po ang nangyari sa inyo! Itay gumising kayo itay! Itay!", iyon na lamang ang naaalala ko sa tuwing binabayo ng masamang bangungot ang aking isipan. Mga alaalang nagbabalik sa tuwing nakakapanood ako ng mga balita ng karasahan sa tuwing may mga ginigibang pamayanan. Mga pamayanang tinirahan namin ni tatay noon. Isang bahay na magulo, mainit ngunit masaya kami ni itay. Sa buong buhay ko bilang bata ay tanging si tatay lang ang magulang ko dahil si nanay ayun noon kay tatay ay namatay dahil sa komplekasyon sa panganganak sa akin sanang magiging kapatid pero dahil umasa lamang si inay sa isang kapit bahay sa panganganak ay namatay din ito at ang aking kapatid.

Ako si Roberto Punsalan. Isang maninisid ng tahong sa pampang ng bayan ng Ningas sa isang bansang matagal na sa mapa at nahubog ng kasaysayan ngunit tila nabura roon dahil sa pagiging huli, huli sa lahat ngunit una sa korapsyon, krimen, kotong, karahasan at marami pa. Yan ang bansa ng Panultaran. Bansang mapili.

Dito sa Ningas, laging may trahedya, bagyo, lindol, ipo-ipo at iba pa kaya resulta butas bulsa. Mahirap din umasa sa gobyerno dahil bago ka makakuha ng tulong eh ubos na ang pera sa kapupunta sa mga tanggapan. May ibang taga Ningas kapit sa patalim. May ibang pasimple simple lang. May mga Panultas na nangingibang bansa sakay ng eroplano at may ilang talagang kapos na sumasakay lang ng barko para makapunta ng kabilang bansa.

Nakapagtapos ako ng kolehiyo ngunit walang trabaho. Nakatira ako sa isang lumulutang na bahay kasama si Anna ang aking kinakasama. Laging masungit si Anna dahil walang pera at talagang sinabayan pa ng baho ng tubig sa paligid na dala ng basura na matagal ng nagdudulot ng baha pero walang naglilinis na awtoridad. Mahal ko ang Panultaran at Ningas kahit ganito rito. Wala akong magagawa kung ganito rin, ang mangyari lang na gawin ko ay magtiis sa buhay.

"Hoy Berto wag ka ngang tulog tulog dyan magtrabaho ka. Baka may huli ngayon Berto. Hoy Berto di ka pa ba gigising papaliguan kita ng mainit na tubig", sabi ni Anna.

"Oo na babangon na po. Pambihira naman oh inaantok pa ung tao". sabi ko habang nagkakamot ng likod.

Kung minsan ganito talaga kami, umagang umaga away agad. Mahirap din kasing patulan. Sabi nga "matuwa ka dahil buhay ka pa. Matuwa ka sa dadatnan mo pagising mo dahil yan ang basehan na may ulirat ka pa".

Natapos na akong kumain kaya nagpaalam na ako na aalis na ako. Dahil medyo may kalayuan kung lalakarin ang pampang ay sumakay ako ng isang tricycle. Minsan kung walang pamasahe ay nilalakad ko ito kahit mainit.

Sa daan ay sobrang tagal ng trapik, wala kasing nag aasikasong kahit isang pulis. Maaaring tulog sila o di na pinapansin ang ganito sa Ningas. Papaano naman eh kahit di sira ang kalsada ginigiba ng mga politikong gustong magpasikat. Napaka init dahil walang puno. Sa pag iintay ay luminga ako. Nakita ko ang mga batang may pasang mga kahoy. Marungis sila. Butas ang damit. Maliliit ang braso ngunit malalaki ang tiyan.

Umusad na ang trapik. Walang patid ang pag hikab ko at pagluluha.

"Pare andito na tayo", sabi ng driver.

"Ay salamat. O eto ang bayad", sagot ko sabay alis.

Malabo ang tubig at masangsang ang amoy ngunit lumusong parin ako para sa mithiing makakain sa araw na iyon. Lumusong na ako. Suot ko ang goggles at dala ko ang lambat ko. Sa halos araw-araw na pagsisid ko halos makainum na ako ng maruming tubig at makakain ng basura. Para akong pumasok sa madilim na kwarto. Walang maaninag. Nakakamatay ang nakakasindak na kulay ng tubig.

Umahon ako na may dalang kaunting huling tahong. Binilang ko ito at ang bilang ay 26 na piraso lamang. Hindi maibebenta sa fish port dahil kakaunti lang ang huli. Papaanong hindi kukunti eh puro basura sa ilalim. Matapos magpalit ng damit ay umuwi na ako. Naglakad lang dahil ganun din mabagal ang trapik.

Habang naglalakad ay nadaanan ko ang ginagawang kalsada. May nakasulat sa napakalaking poster. Aba! Proyekto pala ito ng Mayor Kalixto Villaruel. Kung di nyo natatanung ay bata palang ako ay Villaruel na ang namumuno sa Ningas. May isyu pa nga nun na may kapit sa mga kriminal at terorista ang mga Villaruel kaya nagtagal.

"Uy ano ba! Di ka tumitingin sa dinadaanan mo ah. Di mo ba ako kilala? Ako ang anak ni Mayor Villaruel", sabi ng isang matabang babae na maputi, magara ang damit at medyo maganda yun nga lang halata ang pagkamasiba sa pagkain. Pinandidilatan nya ang isang binata na may bitbit na sako. Marungis at punit ang damit.

"Pasensya na ho kayo mam! Di ko po sinasadya", sabi ng binata.

"Anung di sadya. Tingnan mo ang nangyari sa sapatos ko nadumihan dilaan mo yan. Dilaan mo!", sigaw ng anak ni mayor.

Umiiyak ang binata na yumuko at binitiwan ang sako nyang dala. Agad na hinagkan ang sapatos ng matabang anak ng mayor. Nakanganga ang maraming tao kabilang ako. Karamihan naka kunot ang noo at nakapangalumbaba. Ano kayang naisip ng binata sa kabila ng walang awang ginawa ng anak ng mayor? May naramdaman kaya siyang galit gaya nararamdaman ko at ng ibang kasama ko? Di ko yan masasagot, siya lang ang may alam ng sagot sa kasamaan ng mga Villafuerte.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kung Dudungaw Ka, Bayan KoWhere stories live. Discover now