Oh my G!

2.2K 72 10
                                    

Sabihin niyo nang tamad ako...


Haha, ngayon nanaman ako nakapagsulat sa journal na 'to.. Almost 1 year na siguro? Hays, sa mga may journal dyan aminin niyo nakakatamad naman talaga araw-araw magsulat sa Journal diba? :D :D


Napansin ko lang naman 'tong Journal ko dahil...


May nakita akong lovers sa park kanina, sa t'wing uuwi ako sa bahay na dadaanan ko 'yung park...


Lagi ko na silang nakikita dun, halos minsan mo lang 'yun makikitang wala sila...


Siguro mag tatatlong taon na sila... Take note, teenager sila.. Yes! Teenager, pero nagtagal ng tatlong taon...


Nakita ko sila kanina, nag-aaway... Sinampal ng lalaki ang babae.. Wala muna akong nagawa, na shock ako sa nakita ko, salungat 'to sa laging nakikita ko sa t'wing magkasama sila...


Noong sinampal, sinapak, sinipa, minura at sobrang napapahiya na ang babae...


Hindi ko kayang makita 'yun, nasasaktan ako...


Parang papatayin ko ang lalaki...


Kaya, sumigaw ako! "TAMA NA!!!"


Napatingin sa akin ang lalaki at babae, sabi ng babae...


"Pabayaan mo siya... Umalis ka dito, huwag kang lumapit.."


Bigkas niya yun habang umiiyak...


"Humanap ka pa ng kakampi! Huh?"


Sabi ng lalaki sa babae...


May nakita akong, tubo sa gilid.. Dahil sa hindi ko kayang makita ang kapwa ko babae, na nasasaktan...


Kinuha ko ang tubo, at hinampas ko sa ulo ng lalaki ng tatlong beses... Nasaktan 'yung lalaki at wala akong pake...


Hinila ko ang babae patakbo sa lugar na hindi kami makikita ng ex niya..


Bumili ako ng ice, at linagay ko sa mga pasa niya...


Tinanong ko kung anong nangyari, ba't nagkaganun, e sweet naman sila noon eh...


Sabi ko na nga na walang forever, hayyy..


Sabi niya lang sakin... "Tama nga kayong mga bitter noh? Sana, naging matalino rin ako tulad niyo... Na sana inuna ko ang pag-aaral... Kaysa pagmamahal na yan... Este, walang kwentang pag-ibig na yan... "


Umiiyak siya, at parang iiyak din ako...


Masakit para sa akin na makita siyang masaktan .. Dahil, naramdaman ko ng masaktan dahil sa pag-ibig na yan... </3


"Hindi kanaman bobo eh... Nagkamali ka lang... At merong kwenta ang pag-ibig noh, 'pag walang kwenta ang pag-ibig hindi sana tayo nabubuhay ngayon... At alam mo rin ba nna dahil sa pag-ibig ne Hesus sa atin sinakripisyo niya ang buhay niya para sa 'tin? Kaya may kwenta ang pag-ibig... Pero dapat sa tamang panahon lang noh.. ;)"


Kinomfort ko lang siya kasi ayaw kong maging mali ang pananaw niya sa pag-ibig...


"Bakit nga pala nag away kayo?"


Dagdag ko... Para naman matulungan ko siyang makapag move-on..


"Kasi....."


"Kasi?? Ano??"


"Kasi, nabuntis niya ako..."


Ouch! Tangna!


"Ano? NABUNTIS KA NIYA?"


Hindi ko mapigilang mapasigaw..


"Sssshhh kalang... Nagalit siya sakin dahil, nabuntis niya ako... Ayaw niyang masira ang buhay niya dahil sa supling na dala ko..."


"Eh, bakit ka niya kailangang saktan! Dapat, pinag-uusapan niyo 'to ng mabuti.."


"Nabigla kasi siya ng sinabi ko 'yun eh.."


"Heh! Mga lalaki talaga."


Mas naiinis ako sa mga lalaki ngayon... Except kay papa... hehehehe...


"Oh well, hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon... Kahit mahal mo ang isang tao, at kahit mahal ka ng isang tao, 'pag nagmahal ka ng hindi sa tamang panahon? Haaays, magkakahiwalay at magkakahiwalay talaga kayo... Sabi ko noon sa sarili ko, Hindi talaga ako magpapabuntis. Dahil, ayaw! Na ayaw! Na ayaw ko talaga, pero... Kahit na ayaw mo ang isang bagay, katulad ng pagbubuntis na 'to ngayon na nag-aaral pa ako, na tempt talaga tayong mga teenagers.."


Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata...


"Tama 'yan ate... Sa'n po kayo nakatira?"


"Ummm, sasakay narin ako sa Jeep na yan oh!"


Sabi niya nun sabay ngiti... Pilit na ngiti...


"Ok, cge! Mag ingat ka ha!"


Sumakay na siya ng jeep... At ayun umuwi na rin ako, haha!


Haaays, 'yan ang sinabi ko .... Na, wala talagang mabuting dulot ang LOVELIFE sa mga teenagers ngayon..


Haha, hindi ko pala alam ang pangalan ng babae...


Hays, matutulog na ako.. Zzzzzz!

Diary ng BitterWhere stories live. Discover now