Chapter 31: Shades

Start from the beginning
                                    

Nung natapos ang warm ups tumalon talon si Enan at nag shake. "Okay, I need you two to stand in front of each other. Walang gagalaw basta magtitigan kayo" sabi ni Scarlet. Ginawa nung dalawa yon ngunit lumapit yung bading at lalo silang pinaglapit. Halos one inch nalang naghihilaway sa kanilang mga mukha kaya pareho silang naiilang.

"O ano? See that? Kung ngayon palang may ganyan na kayong reaksyon ano pa kung sa mismong sayaw na. Kailangan natin masanay kayo sa ganyan, sa sayaw proper halos magdidikit na talaga mukha niyo. Stay that way for five minutes, wag kayong mag uusap" sabi ni Scarlet.

Parang nalulusaw si Violet, si Enan hindi natiis kaya dinuling niya mga mata niya. Natawa ng malakas yung dalaga, lumapit yung bading at inuga ang kanyang ulo. "Another five minutes. Wag kang magpapatawa, you two be serious if you want this to work" sabi ni Scarlet.

Paglipat ng ilang minuto lumapit si Scarlet, agad tumalikod si Violet at saka lang nakahinga ng maluwag. "Good, every practice kasama na yan sa warm up niyo. O next, magharap kayo then..." sabi ng bading saka pinagdikit mga katawan nung dalawa. "Yakap, five minutes embrace. Di parin kayo pwede mag usap, next practice pwede na" sabi ni Scarlet kaya nagyakapan yung dalawa.

Steady lang si Enan ngunit si Violet nakangiti ng malaki. Limang minuto ang lumipas pinatayo ni Scarlet si Enan ng matuwid. "Violet, you rub his face slowly down to his chest, ganito idedemo ko" sabi ni Scarlet.

Walang kibo si Enan kaya napangiti yung bading, "You know what pare, I like you" sabi ni Scarlet. "Awkward" bigkas ni Enan kaya natawa yung bading. "Hindi sa like na ganon, gusto ko yung pagkatao mo. O Violet manood ka ha, ganito gagawin mo. Two hands haplusin mo face niya, slowly down to his neck, shoulders, arms, up the arms, shoulders, chest going down, slide to the sides then come closer, dumikit ka to rub his back down to his butt" sabi ni Scarlet.

Umatras yung bading sabay tinitigan si Enan. "Kakaiba ka talaga" sabi niya. "Sanay na ako, kasi ganyan ginagawa ng mga nagpapantasya sa akin gabi gabi sa panaginip nila" banat ni Enan kaya natawa ng malakas si Scarlet. "O Violet, dapat hindi bumitaw hands mo, kung bumitaw repeat from the top. Sige try mo at obserbahan kita"

"Wag yung malamya, yung parang humahaplos ng malambing, then sanayin mo na nakatitig sa kanyang mga mata. Mahirap sa umpisa so okay lang for today. Okay pa magkamali ngayon. You need be passionate, imagine na para kayong lovers talaga at moment niyo ito" sabi ni Scarlet.

"Vi chance mo na ito, hindi na panaginip ito" landi ni Enan. Sabay natawa si Scarlet at Violet pero yung bading at humampas sa kanyang dibdib. "Dude! Ang bigat ng kamay mo" reklamo ni Enan. "Hahaha kaya pala laging galit boyfriend ko sa akin. Sorry sometimes my femimine side slips out" sabi ni Scarlet.

"O Violet ikaw na" sabi ni Scarlet. "Ilang minutes?" tanong ng dalaga. "Until I tell you to stop. Sige at papanoorin kita para makita ko kung tama" sabi ni Scarlet. "Mamatay ka sa inggit" banat ni Enan kaya umariba si Violet sa katatawa. "Enan okay lang?" tanong ng dalaga.

"Of course, magkano ba cash prize?" tanong ni Enan. "One hundred thousand" sagot ng dalaga. "Ay magpakasawa ka, hala sige yapusin mo ako" banat ni Enan kaya si Scarlet naman ang tawang tawa. Nanginig ang dalaga, hinarap siya magsimula kaya ginabayan ng binata mga kamay ng dalaga.

"Vi, its me. Para sa championship ito" lambing ni Enan. "Okay, start na ako" sabi ni Violet sabay hinaplos mukha ng binata. "Stop! Anong ginagawa mo? Gusto mo burahin mukha niya? Sabi ko passionate, may lambing. And you don't have to copy what I did exactly no, gawin mo yung gusto mo, ang point dito is kailangan mo haplusin yung parts na sinabi ko" sermon ni Scarlet.

"Dude, pwede sabihin sa maayos. Tone down" paalala ni Enan kaya umatras yung bading at medyo natakot. "Okay sorry, Violet, be passionate. Isipin mo siya yung dream guy mo" sabi ni Scarlet. "Ako ang pambansang dream guy" bulong ni Enan kaya muling natawa yung bading.

Artistahin: FINAL CUTWhere stories live. Discover now