Goodbye

4.9K 137 2
                                    





"Lasing ka na naman?! Ano ba yan Vice, gabi gabi nalang ba ha?!" sigaw ni Karylle at sinundan ang lasing na asawa. Naiirita naman si vice dahil ang sasalubong sa kanya ay bulyaw ng asawa. 


"Ano? Bingi bingihan na naman?!" she shouted once again. 


Pagod na pagod na humiga si Vice sa higaan at tinakpan ang tenga. Nainis naman si Karylle sa ginawa ng kanyang asawa at hinablot ito. Napabangon sa inis si Vice  at... 


"Ano ba Karylle! Pagod ako galing taping tapos ganyan maaabutan ko sa'yo?!" sigaw nito at lumabas sa kwarto. 


Sinundan naman agad ni Karylle at sumigaw pabalik. 


"Sino bang niloloko mo? Anong taping? May taping ba sa linggo ha?" 


Napahilamos sa mukha si Vice at Lumabas ng bahay. Maaaring babalik sa bar o di akaya ay sa kanyang Nanay. 


Ganito nalang parati ang routine ng mag asawa. Simula kasi nung namatayan sila ng anak ay naging cold na si Vice kay Karylle. Parati itong wala sa bahay, kung uuwi man ay lasing na lasing, di nag kikibuan, pero kung mag uusap ay magbabangayan lang din sa huli. 

Pagod na napa upo sa sahig si Karylle watching his husband drove off. Wala ng luhang lumalabas sa kanyang mata dahil tila tuyo na ito. Tuyong tuyo sa kakaiyak gabi gabi. Iniwan niya ang showbiz simula nung nagpakasal sila dahil pangako ng asawa na siya ang tataguyod sa kanilang pamilya. Sumang ayon naman si Karylle sa desisyon ni Vice at nag tayo na lamang ng Business para may mapagka-abalahan. 

Minsan ay nagkakasakitan ang dalawa dahil sa galit. 


K dialed someone's number for a friend. 


"Hello" 

"Anne I need you" sabi nito. 

"I'll be there quick" 



Wala pang sampung minuto ay may kumatok na sa pintuan ng kanilang bahay. Pinapasok agad ni Karylle si Anne at umupo sa couch. 

"What happened?" Anne asked and rubbed K's back. 


"Ayon, wala na naman. Umalis" She said and smiled bitterly. 


"Ano plano mo?" 


"Ayoko na Anne. Pagod na pagod na akong intindihin siya." she started crying. 


Anne hugged her tight to comfort her friend. For the past few years, she has been their bridge. Saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa. 


"Sure ka na ba diyan?" 


K nodded and cried once again. 


----- 


Maagang pumunta sa studio si Vice para sa showtime. Simula noong nag aaway sila ay parati na itong maaga sa studio di dahil nag papaimpress kay direk kung hindi ay ayaw niyang marinig ang boses ng asawa. Sawang sawa na siya rito. 

Vicerylle: One Shot StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora